Dear Wes,
Hindi pa rin ako makapaniwalang binasa't sinagot mo ang letter ko sa'yo. Ang bait mo rin pala talaga. Nagrereply ka sa mga fanmail mo. Ang haba pa ng sinulat mo. Saang libro galing 'yan?
Nakita kita sa library kaninang tanghali. Nakatulog ka yata sa kalagitnaan ng pag-aaral. 'Wag ka mag-alala, hindi kita pinicture-an. Hindi naman ako creepy katulad ng iba. Nagtaka lang ako, hindi mo yata kasama si Ella nu'n. Nag-away ba kayo? LQ? Sorry kung hanggang letter lang ang kaya ko. Wala pa akong sapat na lakas ng loob para lapitan ka sa personal e.
Love,
Secret Admirer