Dear Wes,
As usual, ka-date ko ang mga libro ko pati trabaho ko. Pero sana payagan akong mag-off para naman makasama ko pamilya ko. Besides that, iniimbita ako ni Kristine sa bahay nila. Manonood daw sila ng mga romantic movies ng nanay niya. Nakaka-tempt kaso nakakahiya. Tapos feeling ko hindi ako pwedeng magkaro'n ng free time. Alam mo 'yun? Feeling ko ang useless kong tao kapag ganu'n.
By the way, 48th letter na 'to. O ayan, pinagbigyan na kita at alam mo na 'yung bilang ah! Nagdalawang isip pa ako kung sasabihin ko sa'yo. Ikaw, sinong ka-date mo sa Valentine's Day? Si Kass?
Love,
Pineapple