Dear Wes,
Nagulat ako sa huli mong letter. Lumaki ang ulo ko dahil sa mga pinagsasabi mo. Ganu'n ba talaga tingin mo? Kung sabagay, hindi naman talaga ako kasing-adik ng ibang gusto ka na talagang pakasalan. Paghanga lang talaga. Oo, binubuhat ko sarili kong bangko, bakit ba?!
Thank you, Wes. You made my day sa message mong 'yan. Belated happy V-Day! Nakita mo ba sa locker mo 'yung chocolate? Well, I'm sure marami kang natanggap. Pero katulad nu'ng una kong letter sa'yo, plain lang din ang balot nu'n, na may kasamang isang maliit na pinyang sticker. Nakain mo na ba? Nakapag-off nga pala ako kahapon. At kumain kami ng burger ng family ko. Tapos, sinundo ako ng nanay ni Kristine tapos ayun, nanood kami ng romantic movies sa bahay nila. Binusog pa nila ako. Sobrang payat ko raw kasi. Ngayon na lang ako nag-enjoy nang ganito.
At sa'yo lang ako nakahanap ng comfort sa tanang buhay ko. Cheesy, 'no? Pero totoo e. Salamat talaga, Wes. Crush mo pa rin ba si Kass?
Love,
Pineapple