#64 ---

77 5 1
                                    

Dear Wes,

Magtatanong ka tapos kapag sinagot kita, magagalit ka. Akala ko ba maghihintay ka? E bakit ngayon pa lang, binobomba mo na 'ko ng tanong? Tapos kapag 'di mo nagustuhan 'yung sagot ko, iinit ulo mo. May temper ka rin, 'no?

Hindi kita sinisisi. Sorry, mali ang wording ko. Hindi ko lang talaga in-expect na magre-respond ka. That's it. Let's just forget everything. Mag-aaway na naman ba? Problema kasi sa'yo, ang bilis mong magalit kapag hindi mo nakuha 'yung gusto mo. Kumalma ka muna at huminga. Ibabalik ko sa'yo 'yung tanong mo. Akala ko ba matalino ka? Pero bakit hindi mo 'ko maintindihan?

Love,
Pineapple

After 100 Letters Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon