Dear Nag-aalala kong Wes,
Wala lang 'yun. Natanong ko lang naman. 'Yung pinapanood ko kasing pelikula nu'ng isang araw, nakakadala. Nakapagsulat tuloy ako ng ganu'n.
Alam mo, feeling ko pagod na pagod ako these days. Nagta-trabaho lang naman ako tapos uuwi. Or minsan tatambay sa bahay ni Kristine. Pero besides that, wala naman na akong ginagawa. Pero ang bigat sa dibdib. Sa sistema ko. Nakakapagod, nakaka-drain ng energy. Ano kayang nangyayari sa'kin? Nababaliw na ba ako? Kailangan ko lang sigurong mag-aral para mawala 'to sa isip ko.
Love,
Your Pineapple