Dear Pineapple ko,
Edi mabuti palang inaaway kita palagi. Sabi ni Kristine masyado ka raw payat 'di ba? Magpataba ka kahit konti para hindi ka mahimatay o magkasakit nang biglaan. Sige ka, ikaw rin.
Simula nang sabihin mong sa post office ka nagta-trabaho, panay lingon na ako kapag pinapadala ko 'to kay Kass. Hindi ko na nga matuon sa kaniya atensyon ko. Hindi naman kita mahagilap? Nagtatago ka siguro. Daya. Sa'n ka naman magta-trabaho sa interview na 'yan? Okay ka lang ba du'n? Oo, pagdadasal po kita.
Love,
Wes