Dear Secret Admirer,
Sa'yo lang talaga 'yung binasa ko. First time kong nagbasa galing sa mga natatanggap ko. Wala kasing designs. Akala ko electric bill namin ng nanay ko. Hindi mo pa pinakikilala ang sarili mo, kaya hindi ko muna sasagutin ang mga tanong mo tungkol sa'min ni Ella. Sana magkalakas ka na ng loob. Ordinaryong tao lang din ako. Gwapo lang talaga.
"Rise Up and Salute the Sun: The Writings of Suzy Kassem" 'yung libro. Kapag nagpakilala ka na, papahiram ko sa'yo 'yung kopya ko. Ingat.
Love,
Gwapoging Wes