Dear Wes,
Buti na lang over the years, na-develop ko na rin ang pagka-walanghiya ko. Pero minsan, nagtatago pa rin ako sa kweba ko. Ayos lang naman, kasi kahit may point ka, basta may talento at talino ka, kahit itago mo pa 'yan, makikita't makikita pa rin ng mga taong worth it.
Kumpara naman sa'yo, mas boring ang akin. Iniimbita ako ni Kristine magswimming. Kauuwi lang ng kapatid niya para makapagbakasyon saglit galing sa abroad, ipapakilala niya raw sa'kin. Kaso pakiramdam ko, imposible naman na yatang makahingi pa ako ng day off. Hindi naman in demand 'tong pinagtatrabahunan ko, ewan ko ba bakit napaka-strikto nila pagdating sa holidays ng mga workers nila.
Kumakanta ka ba?
Love,
Pineapple