Dear Pineapple,
Hindi kita gets. Bakit kailangan mong matakot? Kung dahil 'to sa itsura, hindi mo kailangang mag-alala dahil hindi ako tumitingin sa looks. Kung ganu'n 'yung kaso, matagal na kitang iniwan sa ere dahil ayaw mong ipaalam sa'kin ang identity mo. Bakit ka matatakot sa reaksyon ko? Kamukha mo ba si Shrek? Hindi naman e. Kung ganu'n man, cute naman si Shrek.
Sinisisi mo ba ako dahil napunta tayo sa ganito? Kung hindi ba ako sumagot sa'yo, masaya ang buhay mo ngayon at simple? Diretsuhin mo na lang. Hindi mo naman pala ginustong kaibiganin ako, ba't ka pa pala pumapel sa buhay ko? Bakit mo pa pala pinaalam sa'kin ang existence mo kung hindi mo naman pala gugustuhing sumagot ako? Akala ko ba matalino ka?
Love,
Wes
PS: Hindi ako nagbibiro, Pinya. Sinabi ko na sa'yo, kaya ko lang nagustuhan si Kass ay dahil magka-ugali kayo. Hindi mo pa rin ba nakukuha 'yung logic ko?