Dear Pineapple ko,
Sinong kapatid ni Kristine? Gwapo ba? Mas gwapo sa'kin? 'Yung totoo...
Pinagkakaabalahan ko? Nag-iisip kung anong susuotin kapag nagkita na tayo o kung anong hairstyle kaya ang magugustuhan mo. Gusto mo ba nakataas? O hayaan ko na lang na magulo? Kinakabahan ako e.
May naisip ako bigla. Bakit hindi tayo pumunta sa malayong lugar kapag nagkita tayo? 'Yung tayong dalawa lang. Sa mismong araw ng pagkikita natin. Tingin mo?
Love,
Excited mong Wes