Dear Wes,
Hi! Sorry natagalan ako ng pagsagot. Nag-alaga kasi ako ng sanggol for two days e. Hindi ko anak 'yon, FYI.
May nakilala ako sa park nu'ng isang linggo. Kristine ang pangalan niya. Englishera. Pero sinusubukan niyang magTagalog kahit baluktot. Nag-enjoy nga akong kausap siya e. Nagpalitan kami ng numbers, and guess what? Hindi na lang ikaw ang kaibigan ko ngayon. May Kristine na ako! Fourth year high school na siya this year. Or should I say, Grade Ten? Naabutan kasi siya ng K12. Kawawang bata.
Regarding sa question mo. Ganito kasi 'yan, Wes. Buo ang pamilya namin. Pero may mga sakit na ang mga magulang namin. Kailangan kong magtrabaho dahil ako ang panganay sa aming magkakapatid. Nagta-trabaho rin naman ang parents ko, pero hindi sapat 'yung kinikita nila dahil hindi nga ganu'n ka-ekstreme 'yung trabaho nila. So ganu'n.
Love,
Pineapple