Dear Pen-apple Admirer,
Hindi ako nambobola. Hindi pa kita nakikita, pero dama kong maganda ka. 'Wag mong minamaliit ang kutob ko. Madalas nangyayari talaga. Tsaka wala namang binuong pangit si God ah.
Oo, mahilig ako sa mga quotes. Buti na lang nakatulong din ako kahit papa'no. Congrats din dahil napatunayan mo ang dapat mapatunayan. Ingat-ingat na lang next time. Maglagay ka ng sandamakmak na mga folders sa pagitan ng mga katabi mo tuwing exam. Tignan natin kung pagbintangan ka pa nila.
Pinapauwi na ako ng nanay ko. Hanggang dito na lang muna. Nice pen name nga pala.
Love,
Pen-enyahang Manok Sa NorthWes