Dear Pineapple,
Hindi ako nakapasok dahil nagkasakit ako. Pero okay na 'ko ngayon. Sipon na lang ang meron ako. Binasa ko lahat ng letters mo. Kawawa ka naman, may trabaho ka nu'ng Pasko. Pero okay lang 'yan! Tatangkad ka naman kasi tumalon ka nu'ng bagong taon e.
Pwede ba akong magkwento sa'yo? Si Ella kasi. Hindi ko na alam ang gagawin ko kapag kasama ko siya. Ito na, sasagutin ko na 'yung una mong tanong sa'kin. Hindi kami. Mukhang hinding-hindi magiging kami. May mahal kasi siyang iba. 'Yung first love niya. At kahit ilang buwan na ang nakalilipas simula na'ng umalis 'yung lalaki, hindi pa rin siya nakaka-move on. Ako naman 'tong si tanga, alam nang walang pag-asa, hinayaan ko pa rin ang sarili kong mahulog sa kaniya. Parang gago lang. Aminin ko na kaya sa kaniya? Kaso ayaw ko kasing masira 'yung pagkakaibigan naming dalawa. Pero kapag hindi ko naman inamin, mas lalalim 'yung nararamdaman ko para sa kaniya. Kailangan kong ma-reject at masampal ng katotohanan para makapagmove on. Hays.
Nga pala, sa UST din pala nag-aaral si Kass? Nakasalubong ko siya sa hallway kanina. Mukhang gulat na gulat pa nu'ng nakita niya ako. Nilibre ko siya ng lunch, bilang kapalit na rin sa pag-aabot niya sa'yo ng mga letters ko. Kinukulit ko nga siya tungkol sa pangalan mo, pero ayaw niyang sabihin. Top secret daw. Loko.
Buti pa siya nakasabay ko nang kumain. Kelan kaya kita makakasabay? Joke lang. Maghihintay ako.
Love,
Wes