CHAPTER SEVENTEEN

37 5 4
                                    


NASA loob ako ngayon ng libriary. May tinatapos akong dokumento para sa bagong project ng Alliance. Mag-iisang buwan na ng huli akong magpadala ng text kay Maine.

Hanggang ngayon ay hindi pa siya nagrereply, halos gabi-gabi na rin kung umuwi si Alden.

Tila lumalalim na ang nararamdaman ng kapatid ko at ni Maine sa isa't-isa, lihim akong nanggalaiti at nanibugho.

Dahil magpahanggang sa ngayon mahal ko pa rin si Maine. Dali-dali akong lumabas ng libriary.

Sa paglabas ko ay napansin ko ang pagdaan ni Alden, tila kararating lamang niya galing sa eskuwelahan. Napansin ko rin na may mga tao sa living room.

"Can we talk Alden?" Agad kong sabi.

"Sige Kuya," pormal niyang sagot sa'kin, hindi man lang ito ngumiti na pares sa mga nakaraan naming pag-uusap.

Agad siyang napasunod sa 'kin sa libriary.

"Napapansin ko Alden madalas ka ng tumambay sa place nina Maine, bakit close na ba kayo ng mga magulang niya?" Mahinahon kong tanong dito pero may lakip naman ng sarkasmo ang mga salitang binitiwan ko.

Nagpatuloy ako, hindi ko siya hinayaang makapagsalita.

"Seryuso ka ba talaga kay Maine, Alden? Hindi mo pa siya lubos na kilala. Sasaktan ka lamang. . ." malunay kong sabi ngunit 'di na niya ako pinatapos.

"How daire you to say that to Maine, Kuya Greg. Maski ikaw din naman ang mismong unang nanakit sa puso ni Maine 'wag kang magmaang-maangan!"

Natigilan ako sa sinabi ng kapatid ko, nagulat ako dahil alam na pala niya ang nakaraan namin ni Maine.

Napakurap ako ng muli siyang magsalita.

"Wala kang karapatan para pangunahan ako Kuya Greg, Maine and me are officially on na kaya wala kang pakialam kong magpupunta ako sa kanila. Don't worry big brother hinding-hindi ko gagawin ang ginawa mong pang-iiwan kay Maine sa ere noon," naniningkit niyang sabi sa malamig na tinig.

Hindi ako nakapagsalita, unang beses kong nakitang ganito ang kapatid ko.

"Side lamang ni Maine ang napakinggan mo Alden," patuloy ko.

Napasmirk ito, kitang-kita ko ang mahigpit na pagkuyom ng mga kamao niya. Ang mapang-uyam niyang mga sulyap, tila nagtitimpi.

"Kahit hindi mo sabihin ang side mo kuya ay maliwanag pa sa sikat ng araw na iniwan mo sa ere si Maine, sinaktan mo siya. Alam ko ang idadahilan mo, na pinili mo ang obligasyon sa business natin. Dahil sa biglaang pagkamatay ni Shane at sa unang atake ni Daddy. Pero bakit? Bakit mas pinili mong saktan si Maine? Hindi ka nagpaliwanag. She's willing to wait you naman, sana kung sinubukan mong tanungin siya 'di sana kayo pa. But I'm sorry to tell you this bro. Akin na si Maine, hindi ko hahayaang makuha mo pa siya!" Ang matatag niyang sabi sa akin, kitang-kita ko rito ang determinasyon at damdamin sa mga katagang binitawan niya sa mga sandaling iyon.

Napayuko ako at hindi ko alam ang sasabihin, I felt weak that time.

Muli ay nagsalita siya."You had the chance, way back five years ago. Pero sinayang mo iyon. Ngayon ako na ang nagmamay-ari sa puso ni Maine. Kaya pakiusap  Kuya, lumayo-layo ka na. 'Wag mong asahan na babalik pa sa'yo si Maine. Dahil kapag gumawa ka pa ulit ng ikasasakit niya..." tutok na tutok ang mga mata niya sa akin.

". . . Makakalimutan kong magkapatid tayo," ang pagtatapos niya.

Agad niyang binuksan ang pintuan, nabungaran pa namin na nakatayo lamang roon si Bridgette.

Linagpasan  ito ni Alden, sabay pa kaming nagkatinginan ni Bridgette. Nabatid kong narinig din niya ang lahat ng mga napag-usapan namin ng kapatid ko.

Agad siyang pumasok at isinara ang pintuan. Nakita ko sa mga mata niya ang sakit na ngayon ay pinagdaraanan ko rin naman.

Masakit pero kailangan kong bumitiw at 'wag ng umasa pa na babalik pa si Maine sa akin.

"I have a plan Kuya Greg kung papayag ka?" Si Bridgette.

"What's all about this Bridgette, alam kong narinig mo naman lahat ng napag-usapan namin ni Alden. Wala na tayong magagawa, tanggapin na lamang natin."

Nagkasalubong lang ang mga kilay niya at pinagsalikop ang mga kamay nito.

"Hindi ako papayag! Never na maagaw sa akin si Alden! I will make sure na magiging akin ang kapatid mo physically and emotionally. Wala kang magagawa kung 'di ang umayon sa plano ko. Don't worry I'll make sure na makukuha mo ulit si Maine, magtiwala ka sa akin soon to be my brother in law," ang puno ng detirminasyon na saad niya, may ngiti na ng tagumpay ang makikita sa mukha nito.

Vote. Comment. Share

A/N

Ayan nakakalahati na ta'yo sa kabanata ng buhay pag-ibig nina Maine at Alden. Subaybayan po ang mga susunod na chapter na tiyak na magpapaiyak at magbibigay sa inyo ng kakaibang mukha ng pag-ibig. Magwawagi ba si Bridgette sa mga plano niya? O Tuluyan bang makukuha ni Greg si Maine? Makakaya bang maipaglaban ni Alden si Maine hanggang wakas? Makakaya na bang sumugal ulit ni Maine sa bagong pag-ibig na idinudulog ni Alden? Subaybayan ang mga pagsubok na susubok kina Maine at Alden. Makakayan ba nila hanggang wakas na ipaglaban ang pagmamahalan ng bawat isa... Abangan!


babz07aziole ~~~~~~<3

✔️Forever Yours, Forever Mine (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon