CHAPTER THIRTY ONE

35 8 5
                                    

DUMATING ang araw ng Final exam, naging busy kami nina Alden sa mga nakaraang araw. Minsan kasama namin nagrereview ang tropa, naroon na tumatambay kami kina Clem kasama sina Angel na girlfriend naman ni Cuzhniel. 

Sa totoo lang nag-enjoy ako sa pagrereview kasama ang mga ito. Kadalasan kasi na nahahaluhan na ng kalokohan ang pagrereview namin. 

Pero may ipinagtaka lamang ako, sa buong linggong nagdaan. Hindi ko nagisnan na nagkasama sa iisang lugar sina Alden at Maine. May isang beses tinanong ko si Alden.

"P're bakit hindi mo kasama si Maine?" Taka kong tanong dito. Natigilan ito sa pagbabasa ng mga notes sa laptop nito. Napalunok pa ito at nag-alis ng bara, bago ako sinagot nito.

"Ah, busy lamang siya. Saka kailangan muna namin mapagtuunan ang nalalapit na final exam."

Matagal ko siyang pinakatitigan sa mga oras na iyon. Malakas kasi ang kutob kong hindi siya nagsasabi ng totoo. 

"Ganoon ba iyon," mahina kong sagot. Ngunit nanatili pa rin akong nakatitig dito. Nang biglang dumako ang pansin ko sa naghaharutang si Charlott at Clem.

"Guys, parating na si bebe Maine. Nagtatanong kong ano daw gusto niyo, Pizza o Burger?" Malakas na sabi ni Charlott habang tangan nito sa kabilang kamay ang cellphone.

"Pizza na lamang," chorus na sabi ni Angel at Cuzhniel. Nagtinginan pa ang dalawa. Sobrang sweet talaga ng mga ito, naiinggit tuloy ako. Minsan naiisip ko na ding magkajowa kaso sa tuwing sumasalit sa akin ang karanasan ko dati. Bigla ay agad na nagbabago ang isip ko. 

Bigla kong nilingon sa kinauupuan si Alden, nang bigla itong napatayo. Habang sinasamsam ang mga gamit. 

"Oh saan ka pupunta Alden?" Tanong ni Clem habang binabaklas ang mga kamay ni Charlott na nakaangkla sa katawan nito.

"Uuwi na muna ako, balik na lamang ako maya." mabilis nitong sagot. Bitbit ang mga gamit mabilis na siyang naglakad palabas ng condo. Sinundan lang namin siya ng tingin that time.

Kasabay ng pagbukas nito ng pintuan ay ang pagpasok naman ni Maine sa loob.

Una nagkatitigan ang mga ito, wala sa kanila ang unang nais umimik sa mga sandaling iyon. Nanatili kaming tahimik, hinihintay namin ang susunod na mangyaayri. Hanggang sa. . . 

"Sige una na muna ko guys." nakangiti si Alden pero iba ang ipinaparating ng mga mata nitong mapanglaw. Tila ano mang oras maiiyak ito.

Nginitian nito si Maine, pero halatang may bakas ng pait. Tinitigan din lamang siya ni Maine at nilagpasan, sinundan lamang siya ni Alden habang papunta sa lamesa ito. Bitbit ang mga pagkain na binili nito mula sa labas.

Agad nang binawi ni Alden ang tingin, saka dire-diretso itong lumabas. Iyon ang huling tagpong nakita kong nagkita sila. 

Ayaw ko naman pakialaman sila, dahil mataanda na ang mga ito.

-------

ILANG minuto pa lamang umiinom si Alden ay halatang lasing na ito.

Pilit pa siyang pumunta sa harap ng dance floor. Ngunit maagap na siyang pinigilan ng dalawa kong kasama.

"Ano ba, g-gusto ko pang m-magsayaw! " Pamimilit niya.

"Pwedi ba Den, umupo ka na lamang. Nakakatawag ka na ng pansin, uy! " Suway naman ni Clem habang pilit siyang pinapaupo.

"Pwedi ba . . . K-Kaya ko p-pang sumayaw. Kahit panuorin niyo pa! " Nabubulol niyang sabi habang mabuway-buway pa siya sa pagtayo.

Agad na naman siyang pinigilan ng dalawa.

✔️Forever Yours, Forever Mine (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon