KAHIT puyat sa kakaisip ng kung anong nangyari kay Greg, maaga pa rin akong nagising.
Ipinaghanda ako ni Mama ng almusal, natuwa ako ng makita kong pancake ang inihanda niyang almusal ko. Habang si Papa, nasa hapag-kainan na. Nagkakape na ito, habang may hawak na diyaryo sa kamay.
Mabilis na napadako ang tingin niya sa akin nang makaupo ako.
"Ang aga mo naman ngayon Maine, may lakad ka ba?"
"Opo Papa, pupunta po ako sa Ocean park para ituloy ko ang pagreresearch ko, " sabi ko rito. Habang dumadampot ng pancake. Agad kong nilagyan ng chocolate syrup ito.
"Okay kung ganoon, ihahatid na kita bago ako pumunta ng shop." sabi nito, inumpisahan na rin nitong kumain.
Napatango ako habang ngumunguya. Pagkakain, agad akong sumakay sa kotse ng Papa. Ilang minuto rin ang dumaan, agad kaming nakarating sa ocean park. Maaga pa kaya agad akong nakapasok sa loob, wala pang masiyadong tao. Nagpaalam na ang Papa, pupunta na ito sa kaniyang opisina. Nagmamay-ari kami ng mga truck na ipinangbabyahe ng mga gulay at prutas sa iba't-ibang lugar sa kamaynilaan.
Mabilis kong hinayon ang daan papunta sa paboritong bench ni Greg. Wala pa rin siya roon, maybe. . dahil napakaaga pa.
Naupo nalang ako, lilipat na lamang ako kapag dumating siya. Inilabas ko na ang mga gamit ko para ipagpatuloy ang naudlot kong gawain kahapon.
Mabilis na lumipas ang oras, tapos ko na rin ang sinusulat kong paragraph at reviewer.
Ngunit ni anino ni Greg ay wala, hindi ko alam kong para saan ang lungkot na lumukob sa akin ng mga sandaling iyon.
Siguro masiyado lang itong busy, kaya hindi siya nakapunta ngayon. Babalik nalang ako bukas, baka-sakaling nandito na siya.
Agad kong itenext ang Papa para sunduin ako, pagkadating ng Papa. Agad na niya akong pinasakay. Habang nasa sasakiyan nilibang ko muna ang aking sarili sa pagmamasid sa labas. Biglang napatutok ang atensiyon ko sa labas nang minsan, tumigil ang kotseng sinasakiyan namin. Kitang-kita ko sa labas si Greg, may hawak itong yosi. Habang ang isang kamay ay may hawak naman bote ng alak. Kasama nito ang mga kateam nito sa basketball.
Sa tabi nito kasalukuyan namang nakaupo si Joyce, muse ng engeenering institute. Kilala ang babae sa masamang reputasiyon nito sa aming campus. Biglang sumikip ang dibdib ko ng makita kong inakbayan ni Greg si Joyce. Inilapit nito ang labi sa tainga ng huli, parang may kung anong ibinubulong siya rito. Tila pinipiga ang puso ko sa nakita ko, akala ko ba crush lang? Bakit kong makareact ako. Tila boyfriend ko siya na nagtataksil sa akin sa mga sandaling iyon.
Bigla ang pangingilid ng luha sa gilid ng mata ko, nang bigla siyang lumingon sa kinaroroonan ko. Biglang napawi ang maloko niyang ngiti, napalitan iyon ng pagkalito.
Mabuti na lamang at agad ng pinaandar ni Papa ang kotse, bago bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
"Oh anong nangyari sa iyo, bakit ka umiiyak?" Takang tanong ni Papa.
"W-Wala po, n-napuwing lamang ho," sabi ko nalang habang pinupunasan ang mga luhang nakatakas sa aking mga mata.
"Boyfriend mo ba iyon?" Biglang tanong ni Papa. Agad ang pagdako ng sulyap ko rito. Agad akong umiling dahil hindi ko naman talaga boyfriend si Greg.
"Ah. . . mabuti naman anak. Ayaw kong magpapaligaw ka sa mga ganoong klase ng lalaki. Bata ka pa, unahin mo muna ang pag-aaral anak, okay?"
"Opo Papa," sagot ko dito. Mabuti ko na lamang itutok sa harapan ang aking pansin. Hanggang sa makauwi kami, hindi pa rin naaalis ang mabigat na pakiramdam ko sa eksenang nakita ko kanina.
BINABASA MO ANG
✔️Forever Yours, Forever Mine (COMPLETE)
RomanceForever Yours, Forever Mine (UNDER REVISION-EDIT) (romance) babz07aziole Alden Vriganza lahat halos nasa kaniya na, marangyang buhay. Kasikatan, mga totoong kaibigan. Ngunit may darating na magpapabago sa kinagisnan niyang buhay. Si Maine Sanchez. I...