MARAHAN akong napatingin sa may pintuan ng simbahan, kung saan ikakasal ako ngayon. Hindi ko maiwasan makilig dahil ang magiging bride ko lamang sa mga oras na iyon ay si Bridgette.
Oo tama kayo ng rinig, si Bridgette ang pakakasalan ko. Inilibot ko ang tingin sa loob ng simbahan na kung saan kami ikakasal.
Sabay-sabay na nagthumbs-up si Cuzhniel at Soujhiro. Habang si Alden naman ay nasa tabi ko, dahil siya ang aking bestman.
Nang pumailanlang sa buong simbahan ang awit pangkasal, isa-isa nang naglakad papuntang harapan ang buong enterouge ng kasal namin. Ang simbahan namin ay napuno na ng kamag-anakan at malalapit namin na mga kaibigan.
Nag-uumapaw ang galak sa akin, lalo nang masilayan ko mula sa pintuan ang bulto ni Bridgette. Nang mag'umpisa na siyang maglakad palapit sa akin.
Habang palapit siya ng palapit, pabilis din ng pabilis ang pagtibok ng aking puso. Ngitian ko ang mga magulang niya ng tuluyan silang makalapit sa akin.
Matapos ibigay ng Daddy niya sa akin ang mga kamay ni Bridgette, agad na kaming tumalima. Upang humarap sa pare.
Mahaba-habang seremonyas din ang naganap. Hanggang sa dumating na ang sandaling pinakahihintay ko ang mahalikan ko ang bride ko.
Narinig ko pa ang kantiyawan ng mga tao sa paligid namin.
"Kiss! Kiss!" Sabay-sabay nilang hiyaw, ngiting-ngiti naman ako ng mga sandaling iyon
Hinawakan ko na ang dulong tela ng belo niya, unti-unti kong itinaas ito. Hanggang sa tuluyan ko ng maitaas iyon.
Ngunit ang kasiyahang bumabalot sa akin sa mga oras na iyon ay biglang napawi. Dahil sa pagkagulat ko'y hindi mukha ni Bridgette ang nagisnan ko. Kundi ibang mukha!
Mukha ng baklang haliparot na si Charlott! Jusko! Bigla akong umatras ng maramdaman kong unti-unti na niyang inilalapit ang mukha niya sa akin.
Agad kong hinawakan ang panga niya saka malakas siyang ibinalya.
"Why Papa Clem, puwedi mo na raw akong halikan sabi ni father!" Maarte nitong sabi habang tumatayo.
"G*$# asa ka pa!" Nahihintakutan kong sabi, sabay karipas ko ng takbo.
Ngunit sa pagkabigla ko mabilis niyang hinawakan mga paa ko upang matumba ako palapit sa kaniya.
Nagsisigaw at nagpalalag na ako, ang mga tao sa paligid ko ay nanatili lamang nakatingin sa akin. May bahid ng ngiti ang kanilang mga labi.
Isang sigaw ang kumawala sa bibig ko ng yakapin at pilit akong hinahalikan ni Charlott.
"Wala ka ng kawala Papa Clem, dahil magiging akin kana. . ." bulong niya sa tainga ko.
Lalo akong nagpapalag habang nagsisigaw, patuloy siya sa malademonyong tawa niya!
MABILIS na napabalikwas sa pagkakahiga si Clem, malakas ko siyang tinampal.
Hingal na hingal ito na tila tumakbo ng pagkalayo-layo, habang tagaktak na siya ng pawis.
Agad niyang iginala ang tingin, hanggang mapako ang sulyap niya sa akin.
Agad naman siyang binigyan ng tubig ni Soujhiro, tuluyang nasaid ang tubig sa basn matapos lagukin lahat ng iyon ni Clem. Kinuha ko ang remote control para mabuksan ang pagkakasarado ng bintana niya.
"Alas-nuebe na Clem pero tolog ka pa," usisa ko sa kaniya.
"So what linggo naman ah!" Humihikab pa niyang sabi. Nanatili pa rin siyang nakahiga sa kama.
Agad siyang binato ni Soujhiro ng unan. "Bumangon kana!" Sigaw nito.
Ngunit nanatili itong nakahiga, kinuha pa niya ang unan na ibinato ni Soujhiro. Agad nitong ipinantakip sa mukha niya.
Naglakad na ako palabas ng kuwarto niya, pupuntahan ko pa sa living room si Angel, kasama niya si Charlott. Dito namin napagpasiyahang magreview para sa finals nextweek.
Magaalas-diyes na, kailangan na namin mag-lunch. Agad na akong nagpunta sa kusina para makialam doon. Balak kong ipagluto si Angel ng mechado, naikwento kasi ni Charlot na iyon daw ang paboritong pagkain nito.
Nagresearch pa ako kagabi kung paano lutuin iyon. Mabuti na lamang hindi ako nabigo ni Google, agad na akong naglabas ng mga gulay at sangkap para sa lulutuin ko. Mabuti at kumpleto ang stock nitong si Clem, hindi talaga nito nakakalimutan bumili.
Mabilis akong naghiwa ng sibuyas at bawang, abala ako sa paghihiwa ng pumasok sina Angel at Charlott hinayaan ko silang maupo sa harapan ko.
Pumasok naman kapagdaka sina Clem at Soujhiro, biglang napawi ang magandang pagkakangiti ni Clem ng makita si Charlott.
Mabilis namang lumapit ang huli at pinagyayakap si Clem, todo iwas naman ito. Natatawa na lamang ako habang pasulyap-sulyap sa kanila.
"Hoy bakla! Bitiwan mo ko! Dahil sayo binabangungot ako!" Gigil niyang sabi habang lumalayo sa yakap nito.
"Hmmm bangungot ka diyan, baka naman wet dreams with me!" Malanding sabi nito.
Nagtatakbo palabas si Clem habang habol ang malalakas naming tawa. Si Soujhiro agad na nagsalang ng macaroni, balak nitong magluto ng pasta.
Nang biglang may nagdoorbell, agad na binuksan ni Angel ang pinto. Si Maine ang pinapasok nito, ngumiti naman siya ng tipid sa amin. Tumutok pa ang tingin ko sa kaniyang likuran, kung kasunod niya si Alden. Pero mag-isa lamang na dumating ito, napaisip ako. Dati-rati'y halos hindi mapaghiwalay ang mga ito. Kung saan pumunta ang isa, doon din ang isa. Bakit tila nagbabago na ang lahat? Naiiling na lamang ako. Inumpisahan ko ng isalang sa stove ang kaldero pagkatapos.
BINABASA MO ANG
✔️Forever Yours, Forever Mine (COMPLETE)
RomansForever Yours, Forever Mine (UNDER REVISION-EDIT) (romance) babz07aziole Alden Vriganza lahat halos nasa kaniya na, marangyang buhay. Kasikatan, mga totoong kaibigan. Ngunit may darating na magpapabago sa kinagisnan niyang buhay. Si Maine Sanchez. I...