CHAPTER NINETEEN

52 6 11
                                    

DAMN! I can't believe this, hindi ko akalain na pagkakaisahan ako ng pamilya ko.

Akala ko kung ano lang pag-uusapan ng pamilya namin kasama sina Bridgette. Iyon pala pinag-uusapan na ng mga ito ang planong kasalan sa pagitan namin ni Bridgette.

Hindi man lang nila ikinonsidera ang nararamdaman ko.

Basta-basta nalang silang nagdedesisyon, pagkatapos kong magwalk out ay agad akong sumakay sa kotse.

Isa lamang ang gusto kong puntahan sa ngayon.

Nang makarating na ako sa tapat ng bahay nina Maine ay agad na akong bumaba sa kotse. It's past Eight na ng gabi.

Hindi ko alam kung gising pa sina Maine, pero laking tuwa ko na nakabukas pa ang ilaw sa loob ng kabahayanan.

Tumao ako sa labas ng gate nila, agad naman akong pinagbuksan ni Maine. Nasa mukha pa niya ang pagtataka.

"Owh! napasugod ka? Gabi na ah," ang nagtataka niyang tanong sa akin.

"Ah gusto ko sanang maimbitahan kang lumabas, Maine." ang palusot kong sabi sa kaniya.

Pinilit kong pinasigla ang aking boses, para 'di na siya makapag-usisa pa.

Tinitigan naman niya ako at saka napatango-tango, napangiti na rin siya.

"Asus! Bago iyan ah Alden, nahahawa ka na yata sa 'kin sa paglabas-labas ng gabi, siya sige magbibihis lang muna ako. Tara maupo ka muna sa sala." kasabay nang pagbubukas niya sa gate.

Habang hinihintay ko si Maine ay si tatay Nicanor muna ang nakipag-usap sa 'kin.

"Magandang gabi tatay, si nanay pala?" Panimula kong bati sa tatay Nicanor.

"Magandang gabi din iho, si Pampam? Aba't tulog na. Sumakit kasi ang ulo ni misis."

"Ah ganoon po ba 'tay, pwe-pwedi ko bang ipaalam saglit si Maine tatay? Yinaya ko kasi siyang kumain sa labas?" Ang nahihiya kong paghingi dito ng permiso.

Kahit na malapit na ang loob ko sa tatay Nicanor ay ayaw ko naman lubos-lubusin iyon.

"Kahit hindi mo na ipagpaalam sa akin ang anak ko iho, ay okay lang basta ikaw. Malaki ang tiwala ko sa'yo Alden," natutuwa niyang sabi sa akin, habang tinapik-tapik pa 'ko sa balikat ko.

Tila tumaba ang puso ko sa narinig, sa maikling panahon nang pagkakakilala sa akin ng mga magulang ni Maine ay lantaran ipinapakita ng mga ito ang lubos na pagtitiwala nila sa akin kay Maine.

"Salamat po ng marami sa pagtitiwala ninyo tatay." 

Napatango-tango lamang si tatay Nicanor, muli ay itinutok na niya ang pansin sa pinapanuod.

Hindi ko hahayaan masira o masayang ang tiwala na ibinigay ng mga magulang ni Maine sa 'kin.

Gagalangin at mamahalin ko ng totoo ang nag-iisa nilang anak, para naman masuklian ko ang ibinigay nilang pagtitiwala sa 'kin.

ISANG high top short at hanging blouse ang pinili kong isuot. Fliptop sandals nalang ang pinili kong pansapin sa mga paa ko.

Kitang-kita ko pa ang pagtaas-baba ng tingin ni Alden sa kabuuan ko.

Tila nakaramdam ako ng hiya sa mga sandaling iyon.

"Ah pwedi bang palitan mo ang suot mo Maine? Kasi m-masyadong dairing. Alam mo na gabi na, ayaw ko namang mabastos ka sa labas," pautal na sabi sa 'kin ni Alden.

✔️Forever Yours, Forever Mine (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon