CHAPTER TWENTY NINE

33 5 1
                                    

ISANG kaway ng pamamaalam ang ginawa ko, tumango si Greg at agad na niyang pinaharurot ang kotse nito.

Sabay-sabay na kaming pumasok nina Papa at Mama sa loob ng bahay. Pinagtitinginan nila ako, tila hinihintay nilang magkwento ako. Hindi yata nakatiis ang Papa kaya siya na ang nangunang nagtanong sa akin.

"Anak, Maine bakit mo pala kasama si Greg?"

"Nakipagkita ako Papa," maiksi kong sagot dito.

Nabahiran naman agad ng kalituhan ang mukha niya, ang balak niyang pagsasalita ay naudlot ng agad akong sumabat.

"Papa klinaro ko lamang ang lahat, humingi lamang ako ng closure. Para okay na ang  lahat, no hurt feelings like that. Saka. . ."agad akong kumuha ng baso sa lagayan at linagyan ng malamig na tubig. 

"Saka ano?" Patuloy na usisa ni Papa.

Kasabay ng pagbaling ko sa kaniya ay ang pagsagot ko sa tanong niya. "Saka naputunayan ko Pa na hindi ko na siya mahal."

Nanatili silang tahimik sa mga nakalipas na sandali, mayamaya nagpaalam na kong aakyat na muna sa silid ko. Balak kong matulog uli, dahil may lakad kami nina Angel at Charlott mamayang gabi. Agad akong nagpalit ng damit saka nahiga na sa kama ko, papapikit na ang mata ko nang maalala kong tawagan si Alden. Bigla ko siyang namiss, ngunit nakailang pa-ring na ako ay hindi pa rin niya sinasagot ang tawag ko. Maybe his busy?

Nagpaalam kasi siya  kagabi na pupunta ng libriary sa campus para magreview. Baka nakasilent mode ang phone niya dahil bawal ang maingay sa libriary.

Bago ako hilahin ng antok ay napadako ang pansin ko sa wallpaper ng aking cellphone. Litrato namin ni Alden iyon habang nasa restaurant kami. Stolen shot iyon na kuha ni Angel, wala namang espesiyal sa mukha namin roon pero iyong mga ngiti naming walang arte. Mga ngiting totoo, mga tingin niya sa akin na nakakatunaw. . .

Napakaswerte ko rito, sa totoo lang napakathoughtful nito. Minsan o  kadalasan lumalabis na ang pagkamaldita ko, pero siya. . . nanatiling inuunawa ako. Imbes na ako ang magsorry siya pa itong unang lalapit at susuyo sa akin. Kapag nagkaroon kami ng mis-understanding. 

Palagi niya kong iniintindi,inaalagaan at pinapahalagahan. Mahirap ng makatagpo ng isang katulad nito sa ngayon.

Unti-unti na akong napapapikit na ang huling imahe na nasa aking isipan ay ang nakangiting mukha ni Alden my labs. . .

DALAWANG oras akong nakatulog kaya magaan na magaan ang pakiramdam ko. Naginat-inat ako ichineck ko ang phone ko, pero labis akong nagtaka dahil ni text o tawag ni Alden ay wala. Ipinagkibit ko na lamang ng balikat iyon, maybe, may rason itong mabigat kung bakit hanggang ngayon hindi pa ito nakakaalala.

Agad akong dumiretso sa banyo para maligo, gusto kong maging fresh. Dadaan ako ngayon sa suki kong parlor para magpaparlor, gusto kong magka-new look. Para kapag nagkita kami ni Alden lalo siyang mainlove sa akin.

Nagsuot ako ng skinny jeans at simpleng floral blouse, nilakad ko na lang ang papuntang parlor. Mabuti na lamang at walang masiyadong tao dahil alas-kuwatro na ng hapon. 

Agad akong inassist ng mga ito, nagpamanicure and pedicure na ako. Pati ang buhok kong lagpas siko ay ipinagupit ko hanggang balikat, pinaglagiyan ko rin ng highlights ito. Magdadalawang oras ng matapos ako, lubos akong natuwa sa naging resulta. Ibang-iba na Maine ang nakikita ko ngayon.

Maine na mas palaban, Maine na mas pinaganda at Maine na positibo sa lahat ng bagay. Sa wakas! I'm stress free na!

Ala-sais na ng gabi nang makarating ako sa bahay, agad na akong nagbihis. Magmemeet pa kami sa Al fresco nina Angel.

✔️Forever Yours, Forever Mine (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon