8.19.16 Day 2 Prompt 2 for #AMACon3 Drabble Challenge
LANGIT NG LAGUNA
Madaling araw. Indigo ang langit. Katabi ko siya. Tahimik. Walang ibang tao. Kami lang. Tumayo ako. Nag-inat.
Tumayo siya. Tumingala. Sa Langit. Malawak na langit.
Umikot ako. Puro halaman, damuhan at ligaw na bulaklak ang natanaw. Umupo ako uli. Tinukod ang kamay sa likuran. Sa kawayang upuan. Sa ilalim ng puno. Di kalayuan sa bahay nila. Tumingala rin ako sa kalangitan.
Kanina nagsasalita kami. Nag-uusap. Ngayon tahimik na.
Nilingon niya ako. Tumingala ako sa kanya. Sumikat ang araw. Tinakpan ng katawan niya ang liwanag. Isa siyang anino. Naghintay ako. Nakatingin lang siya. Lumingon siya saglit sa langit.
Pareho ang tinatanaw ng mata namin.
Ang langit ng Laguna.
Humarap siya uli. Nagtaas ako ng kilay. Naghintay. Tumingin. Nag-abang.
Yumuko siya. Wala akong narinig. Nadama lamang. Lahat ng kanya. Sa isang dampi. Sapat na. Alam ko na.
Nagtaas siya ng tingin. Hinawakan ko ang pisngi niya. Malalim ang biloy. Tatak Masaya.
Tumango ako. Tumabi siya. Humawak sa'king kamay. Lumingon ako. Ngumiti. Tumango. Naghintay muli. Tinaas niya ang aking kamay. May kuminang. Higit pa ang liwanag sa bagong araw.
Ngumiti ako. Humalakhak. Yumakap siya. Ako din.
Bumulong ako. "Sa Bulacan naman?"
Kinagat niya ang labi. Lumalim ang biloy. Ngumiti. "Tara"
Tumayo kami. Naglakad. Magkahawak-kamay. Maliwanag na. Masaya.
---END---
(c) chapter picture is from Eat Bulaga I FB
_ _ _ _
A/N: *eherm!* *mic test* So...er.. I did try a bit for #AMACon3 drabble challenge ..and this is my First entry on there Day 2 Prompt 2 ...since I'm usually a busy bee, di sure kung magko-continue ko (and all the other participants are totally awesome writers! --yes, fan nila ako, haha! Mas feel ko talagang maging fan--kaya nga silent fan eh ^_^) ..but since they allow the entry to be posted here in WP ..I'll post mine, if ever meron man ako.. so this is a ONE SHOT ...drabbles nga di ba? I wonder, asan yung bola? *peace*
P.S. Oh di ba, ang simple, ahaha! *peace* *yes, mas mahilig ako magtagalog, LOL*
BINABASA MO ANG
Moments
FanfictionIn the midst of his and her busy schedule, sometimes the simplest moment is what makes a treasured memory. [A Compilation of One-Shots]