Next Time

492 29 0
                                    


© aldubmode. tumblr   


8.26.16 DAY 9 AMACon3 Drabble Challenge

Alden and Maine in High School (AU)


NEXT TIME 


"Faulkerson! Faulkerson!"

"Ma'am? Yes, Ma'am!"

Tumitig ang guro kay Richard, pinasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Bumalik ang tingin sa buhok niya at napatango-tango ito. "Ayos ang hairdo mo ah"

Ngumiti siya, labas ang isang biloy sa kaliwang pisngi at napahawak sa batok, medyo nahiya bago sinabi, "Salamat po"

Pumailanlang ang ingay sa buong klase, ang hiyawan ng mga kalalakihan at kilig tawa ng mga kababaihan. Home room class nila, kaya naman maluwag ang guro na magkwentuhan ang mga estudyante.

Umikot ang tingin ng guro sa mga estudyante niyang lalaki, "Ayos ang hairdo nyong lahat ah...kulang na lang kumanta kayo, pwede ng boyband" tukso ng guro.

Nahihiyang ngumiti ang mga lalaking kaklase ni Richard, ganun na rin siya.

Pumalakpak ang guro. "Mabuti yan, mas malinis kayong tingnan, di ba girls?"

Sabay-sabay na tumango at nag-OO-han ang mga dalaga sa klase. Napansin pa ng guro na may ibang tila namumula habang nakatingin kay Richard. Napailing-iling na lamang siya. Tisoy kasi si Richard Faulkerson Jr. kaya karamihan ng estudyante niyang babae ay may crush dito, pero mukhang wala pa iyon sa isip ng binata dahil isa ito sa nangunguna sa klase niya. Masipag at magalang rin ito. Bagay na kinatutuwa niya.

Nagtaas ng kamay si Richard. "Ma'am, bakit nyo nga po pala ako tinawag?"

"Ah! Oo nga pala, paki kuha naman sa faculty room ang ilang mga aklat na gagamitin natin, ito ang list" inabot ng guro dito ang isang pirasong papel, "Nasa ibabaw lang iyan ng desk ko, sabihin mo sa nasa faculty room na pinapakuha ko, ipakita mo lang yang papel, okay?"

Tumango ang binata. "Okay po" sabi nito at lumabas na ng classroom.



Nagmamadaling tumakbo si Nicomaine patungong faculty room, hinahabol niya ang deadline sa pasahan ng English projects nila, naiwan kasi ni Janeeva ang project nito at sinamahan pa niyang balikan iyon sa bahay ng kaibigan para sabay na lang silang magpasa, may kadamay kumbaga. Sumama pa ang pakiramdam ng kaibigan kaya siya na lang ang nagpresinta na magpapasa. Kaya naman ngayon ay gipit na sila sa oras ng deadline.

Sa bilis ng takbo niya paliko sa mismong hallway, patungo sa faculty room ay di niya napansin na may parating at mukhang ganoon din ang nakasalubong. Tumilapon ang folders na hawak niya. Habang ang mga librong hawak naman ng nakabangga niya ang bumagsak, yung isa doon ay sa ulo pa nito tumama.

"Ah!" reklamo ng binatang bumangga sa kanya.

Mabilis na dinampot ang mga folders at lumapit si Nicomaine sa nakabunggo upang tingnan ang ulo nito kung may bukol. "Sorry! Are you okay? Pasensya na, nagmamadali kasi ako kaya di kita napansin", Kinapa niya ang ulo nitong tinamaan ng libro kaya naman di sinasadyang nahawakan niya ang mismong bukol dahilan para mapaigtad ang binata.

"Ah!" hinawakan nito ang kamay niyang nasa ulo at tumingin sa kanya.


Mahaba ang buhok, bilugang mata na may mahahabang mga pilik, natural na mapulang labi at balingkinitang dalaga ang bumungad sa paningin ni Richard ng tingnan ang nakabangga. Hawak pa rin niya ang kamay nito na nasa ulo niya, sa buhok niyang may gel. Napapikit siya. Ang buhok ko...

Dumilat siya at alanganing ngumiti, "Er, ayos na ako, miss. Malayo ito sa bituka. Sorry din kung di kita napansin"

Umiling ang dalaga,"Sorry talaga! Nagmamadali kasi ako kaya---"

"Nicomaine? Richard?"

Sabay sila napatingala.

"Ms. Ferre!"

"Ma'am!"

"Anong ginagawa niyo rito sa hallway? Sa tapat pa ng faculty room?" tumingin ito kay Richard, "Di ba pinakuha ko lang yung mga libro na gagamitin natin?" tumingin kay Nicomaine, "Ms. Mendoza, tapos na ang klase natin kanina pa, bakit nandito ka pa?"

Mabilis na tumayo ang dalawa.

Hawak pa rin ang kamay ni Nicomaine na tumayo si Richard. "Sorry po, Ma'am. May aksidente lang"

Nagtaas ng kilay ng teacher nila at napatingin sa magkahawak nilang mga kamay.

Mabilis na naglayo ang kamay ng dalawa.

"Nagkabungguan po kasi kami. Hinahabol ko po kasi yung deadline para dito sa projects namin" Paliwanag ng dalaga at inabot kay Ms. Ferre ang dalawang folder na hawak.

Kinuha iyon at tumango-tango si Ms. Ferre. "Okay, nakaabot ka pa naman sa deadline, Nicomaine. At ikaw, Richard dalhin mo na yung mga aklat sa classroom."

"Ah, yes, Ma'am". Dinampot ni Richard ang mga aklat sa lapag, habang ang isa na malapit kay Nicomaine ay ito ang dumampot at inabot sa kanya, "Thank you"

Ngumiti si Nicomaine at bumulong uli, "Sorry ha"

"Wala yun, next time. Dahan-dahan ka ha." Ngumiti rin si Richard.

"Yes, I will"

Saglit silang nag-ngitian bago tuluyang umalis na si Richard. Lumingon pa kay Nicomaine na bahagyang kumaway dito.

Napapailing-iling na lamang na minasdan ni Ms. Ferre ang dalawang estudyante niya. Hhmm... Faulkerson at Mendoza... Bagay ah.

_ _ _ _

MomentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon