© Garage mag
1.17.16 AMACon4 - Day 16 : Tagalog FF - Tamang Pagkakamali
B.O.R. : Richard
Paano ko sasabihin kay Nanay at Tatay? Napabuntong-hininga si Maine. Ilang linggo na rin niyang iniisip ang mga susunod na hakbang na gagawin sa buhay niya. Pero di pa rin siya tuluyang makapagpasya.
Nakaharap siya sa salamin sa banyo. Mabuti na lang talaga at matagal na siyang bumukod sa mga magulang kung hindi ay mapapansin nito agad ang nakaugalian na niyang pagsugod sa banyo tuwing umaga.
Nakapaghilamos na siya at mariing napiga ang tuwalyang pinampunas sa mukha. Kahit anong gawin kasi ay hindi maikakaila ang kalagayan niya.
"Nagdadalantao ako...pero sa'n ko hahanapin ang ama nito?" Naibulong niya.
Isang buwan na ang nakalipas ng dumalo siya sa isang pagtitipon para sa mga anak ng mayayamang elitista. Hindi niya sana gustong pumunta ngunit mapilit ang mga magulang. Kahit batid niyang paraan ng mga ito iyon upang makahanap na siya ng lalaking papakasalan.
Isa ang pagtitipon na iyon sa madami pang salo-salo na dinaraos ng lipunan na kinabibilangan ng pamilya nila. Unti-unti na niyang nilayo sana ang sarili roon. Masaya na siya sa trabaho niya. Isa na siya sa mga tinitingalang aktres ng kanyang henerasyon at maipagmamalaki niya na narating niya iyon ng sariling sikap.
Masaya naman ang pamilya niya para sa kanya ngunit nang ipakiusap ng magulang na dumalo siya sa pagtitipon ay nabatid niyang nais pa rin ng mga ito ay sa lipunang nabibilang siya makatagpo ng mapapangasawa.
"Nay, Tay, wala pa sa plano ko ang magkaroon ng sariling pamilya" naalala niyang sabi sa mga ito
Tumango ang ama, habang ngumiti ang kanyang ina. "Alam naman namin yun, anak. Pero mukha kasing puro trabaho na lang ang inaatupag mo. Hindi ka na bumabata"
"Nay, dalawampu't pito pa lang po ako"
"Kaya nga, ngayon ang tamang panahon para makihalubilo ka at makipagkilala" katwiran ng ina
Humalukikip siya. "Madami akong kaibigan"
"Oo nga, pero sa pagtitipon na ito. Dito dadalo ang mga nararapat na kandidato sa puso mo"
"Ha? Ano pong klaseng rason yan? Parang matapobre ang dating nyo?" Nakakunot-noo ng sabi ni Maine
Nagtaas ng kamay ang ama niya para pahupain ang tensyon "Hindi naman sa ganon, anak. Ang ibig sabihin ng nanay mo ay, kahit papaano kakilala namin ang mga lalaking dadalo sa pagtitipon. Karamihan sa kanila ay anak ng mga kaibigan natin. Magandang pagkakataon iyon na makilala mo sila, di ba?"
"At isa pa, malalaman nila na anak ka namin. Sa palagay ko, panahon na para malaman ng mga tao iyon, di ba?"
Natigilan siya sa sinabi ng ina. Sa tagal na niyang artista ay ngayon lang niya nahimigan ng may pagtatampo ang tono nito dahil sa tinago niya na galing siya sa isa sa mayamang pamilya sa bansa.
"Okay, pupunta na ako" pinal na sabi na lamang niya.
Sa pagdalo niya sa pagtitipon na iyon pala magbabago ang buhay niya. Nakihalubilo siya at karamihan nga ng mga dumalo ay kakilala ng pamilya nila.
Ngunit may isang nakaagaw ng pansin niya sa lahat. Si Richard Faulkerson Jr., ang nag-iisang tagapagmana ng mayamang pamilya ng mga Faulkerson, kababalik lang nito sa bansa. Ang pamilya nito ay may-ari ng isang istasyon sa telebisyon at radyo, pahayagan at kilala rin Faulkerson Films sa buong bansa.
Hindi sa pagmamayabang ngunit karamihan ng kalalakihan ay gustong makuha ang atensyon niya ng gabing iyon, maliban sa lalaki. Hindi ito lumapit sa kanya pero ramdam niyang nakasunod ang tingin nito sa kanya buong gabi.
Kaya naman ng lumapit ito ay nagulat pa siya. Lalo na ng nakulong sila sa isang silid. Tanda pa niya ay nahihilo siya at kinausap siya nito ngunit di niya maintindihan masyado kung anong napag-usapan nila. Pagkatapos niyon ay wala na siyang naalala.
Nagising siyang nakabalik na sa tinutuluyan niyang gusali, sa kanyang silid, masakit ang ulo at di man siya magsalita ay batid niyang may nangyari sa kanila.
Napagpasyahan niyang kalimutan na lang sana ang nangyari pero mukhang ayaw ng tadhana dahil makalipas ang isang buwan ay nalaman niyang buntis siya.
"Kailangan kong makausap si Richard" may determinasyong sabi niya.
Nakalabas na siya ng silid at naghahanda ng mag-almusal ng may kumatok sa pintuan. "Ang aga naman nito" reklamo niya pero naglakad na para buksan ang pintuan.
Nang mabuksan iyon ay natulala siya sa tumambad sa kanya.
"Kamusta, Maine?" Mahinang sabi ni Richard, nakatayo ito sa gilid ng pintuan. Magulo ang buhok, may galos sa kanang pisngi at sa leeg. Bumaba ang tingin niya sa braso nito. Nakasuot ito ng maong na pantalon at puting polo na mahaba ang manggas pero may mantsa ng dugo at punit-punit. Nakahawak ang kanang kamay nito sa kaliwang tagiliran na duguan.
"Anong nangyari sa iyo?!" Mabilis na inalalayan niya itong makapasok. At pinaupo sa isa sa upuan sa sala.
Napapikit ito saglit, tiyak na sumakit ang tagiliran nito pag-upo niya rito. "Pa-pasensya ka na. Wala akong masyadong kakilala dito sa Pilipinas. Ikaw yung pinakamalapit"
"Richard, anong nangyari? Dapat sa ospital ka pumunta"
"Hindi pwede sa ospital. Walang dapat makaalam sa nangyari sa akin"
"Tulad ng nangyari sa atin?" Di napigilang sabi ni Maine.
Hinawakan ni Richard ang kamay niyang malapit sa malinis na kamay nito. "Hindi dapat iyon nangyari"
Hinila ni Maine ang kamay na hawak nito pero humigpit lang ang kapit ng binata. "Bakit mo ginawa kung ganun?"
"Hindi ko kayang pigilan" mahinang sagot nito.
Napailing si Maine. "Mag-usap tayo kapag ayos ka na. Tatawag ako sa ospi---" di niya natuloy ang sasabihin ng bigla siyang yakapin ni Richard. "Huwag...sa ospital. Please" bulong nito habang nakapatong ang ulo sa kanang balikat niya.
Napabuntong-hininga siya. "Okay, kukunin ko lang ang first aid kit" napapikit siya saglit at inamoy ang binata, sa kabila ng pawisan ito ay mabango pa rin. Tumikhim siya at nagtangkang lumayo sa yakap ng binata pero di ito kumakalas. "Anong klaseng sugat meron ka?" natanong na lang niya.
"Malayo sa bituka" sagot nito na humigpit pa ang yakap sa kanya.
Napataas ng kilay si Maine. Ano ba ang gagawin ko sa lalaking ito? "Kung di mo ako bibitawan, paano ko makukuha ang first aid kit?"
Noon pa lang lumuwag ang yakap nito.
_ _ _
A/N: Salamat sa bumabasa nito.
P.S. B.O.R stands for "Brotherhood Of Roses" *peace*
BINABASA MO ANG
Moments
FanfictionIn the midst of his and her busy schedule, sometimes the simplest moment is what makes a treasured memory. [A Compilation of One-Shots]