Awit ng Dragon

195 15 0
                                    

(c) onlybae


1.21.17 AMACon4 - Day 20 : Tagalog FF - Huling Awit ng Unang Nota.


Awit ng Dragon 

[cont. from Dragon Key, Dragon Ring & Twenty-Four universe]


"Meng" napalingon si Maine ng marinig ang boses ni Alden na tumawag sa kanya. Nasa pasilyo siya, nag-aabang dito na lumabas mula sa palikuran.

Mabilis siyang lumapit sa binata, namumutla ito at pinagpapawisan, "Bakit? Anong nararamdaman--ay! Alden!" Napasigaw siya ng mapaluhod ito sa sahig animo'y hinang-hinang. Tinangka niyang alalayan ito pero di niya kaya ang bigat ng binata.

"Alden? Alden, anong nararamdaman mo?" Puno ng pag-aalalang tanong niya. Nakayuko na ito at nakatukod sa sementong sahig ang mga kamay upang pigilan ang tuluyang pagbagsak ng katawan nito.

Naupo siya sa tabi nito, sinuklay ng kamay ang nagulong buhok, kasabay niyon ay saka naman bumaling ng tingin si Alden sa kanya. Ang mga mata nito'y nagliliwanag ng kulay pula. "Alden, ang mga mata mo" napapikit ang binata.

"Masakit siya, Meng. May kakaibang nangyayari. Kailangan nating makalabas dito"

"Tama ka. Nararamdaman ko rin. Kaya nga hinintay na kita sa pasilyo." Humawak siya sa baywang ni Alden, pinilit inalalayan ito na makatayo, kahit pa siya halos ang umalalay sa kalahati ng bigat nito. Nang makatayo ay sumandal ito sa dingding ng pasilyo.

"Hindi ka ba nanghihina na tulad ko?" tanong ng binata

Umiling siya. Kinuha niya ang kanang kamay ni Alden upang hawakan. Kinakabahan siya ng di niya mawari. Inilapat naman nito ang kamay nilang magkahawak sa gitna ng dibdib nito, sa tapat ng puso. Noon biglang tila bumalik ang kulay ng pisngi nito. "Dito ka lang" bulong nito.

"Di ako aalis. Di kita iiwan kahit anong mangyari" mahina niyang sabi na nakapagpangiti dito.

"Nandito lang pala kayo. Kanina pa namin kayo hinahanap" napalingon si Maine kay Mama Ten na papalapit sa kanila. Tiningnan niya si Alden. Umiling ito. "Kailangan nating umalis, Meng" sabi ng binata na narinig ni Mama Ten.

"Aalis kayo?" Nagpalipat-lipat ng tingin ito sa kanila ni Alden.

Si Maine na ang sumagot, "May kailangan po kasi kaming puntahan ni Alden. Okay lang po ba?"

"Sandali lang kami, Ma. May papakita lang ako kay Meng, tapos balik kami kaagad dito" paliwanag na rin ni Alden, buti na lang ang huminto na ang pagkinang ng pula ng mga mata nito. Walang napansin nakakaiba ang bagong dating.

Namaywang si Mama Ten, "Babalik kayo ha? Last time na sinabi nyo yan sa akin, nawala kayo ng tatlong buwan ng ni walang-ni-ha-ni-ho man lang. Tapos nang nakabalik kayo ang paliwanag nyo lang ay kinailangan nyong umalis" napahawak ito sa dibdib, "Ako naman, kahit anong mangyari naniniwala ako sa inyo. Pero kung may apo na pala ako na di nyo sinasabi sa akin, lagot talaga kayo!"

"Apo agad? Si Ma talaga, isa kayo sa unang makakaalam pag ganun" sabi ni Alden na yumakap na sa tagapangalaga. Kumindat ang binata kay Maine na nakapagpangiti naman sa kanya.

"Huwag kayong mag-alala, Mama Ten. Saglit lang kami" muling sabi ni Maine.

Tumango na lamang si Mama Ten at niyakap sila. "Sige na, umalis na kayo saglit. Saglit lang ha. Ako na magpapaliwang kina Leysam"

"Salamat, Ma" sabay nilang sabi. Bago inalalayan ni Maine si Alden na maglakad na palayo. Nakalapat pa rin ang kamay ng dalaga sa tapat ng puso ng binata. Mukhang sa palad niya kumukuha ng lakas si Alden.


Ilang saglit pa ay nakarating sila sa itaas ng gusali. Noon lumayo si Maine sa binata. "Dala mo ba ang singsing?"

"Oo, lagi" Nilabas ni Alden ang kuwintas na nakatago sa ilalim ng suot niyang polo. Ang kuwintas ay nakahugis dragon na susi, tinanggal niya iyon sa leeg at nilagay sa palad. Umilaw iyon at tila nagkaroon ng sariling buhay. Gumapang ang dragon at pumalibot sa palasingsingan niya. Umilaw ang berdeng mata ng dragon na singsing na. Tumingin ang binata sa kanya.

Sinalubong ni Maine ang tingin ng binata. Alam niyang kumikinang ang berde na niyang mga mata. Nang isuot ni Alden ang singsing ay nanumbalik ang pagiging luntian ng kanyang mata.

Kasabay niyon ay ang paggising ng isa pa niyang katauhan, ang pagiging dragon, isang prinsesang dragon at ito ay ang kanyang dragon na kabalyero. Ang tagapangalaga niya at kung ang alam ng mga tao ay magkatambal lamang sila nito, sa mundo ng kanyang ama na si Boss King ay batid ng mga nilalang doon na kasintahan niya ang binata at pakakasalan oras na matapos ang pagsasanay nito bilang ganap na kabalyerong tagapangalaga ng isang prinsesang dragon.

Ang mga mata ni Alden ay bumalik sa berde na tulad ng sa kanya. Inabot nito ang kamay niya. Magkahawak kamay silang tumingala sa langit.

"Naririnig mo ba?" tanong ng binata

Bumaling siya sa silangan, tinanaw ang asul na kalangitan doon. "Oo, isang musika..."

"Iyon ang dahilan kung bakit ako nanghihina kanina"

Saglit nilang pinakinggan ang musikang nanggagaling sa silangan. Ang asul na langit ay unti-unti ng nagiging kahel tanda na palubog na ang araw.

Higit pang lumapit si Alden sa tabi ni Maine ng patuloy na di nagsasalita ang dalaga pero nagulat siya ng makita ang mukha nito.

"Meng, anong nangyayari? Bakit ka umiiyak?" Natatarantang sabi ni Alden habang hinawakan sa mga palad ang pisngi nito at pinunasan ng kanyang hinlalaki ang dumadaloy na luha sa mga mata ng dalaga.

Bihirang maiyak si Maine, kaya naman naalarma siya ng makita iyon. Mabilis niya itong niyakap. "Hindi ko malalaman ang dahilan kung di mo sasabihin sa akin. Bakit ka umiiyak?" bulong niya.

"Kasi yung tunog, yung musika na naririnig natin. Iyon ang huling awit ng unang nota...ang awit na...ang isang awit ng pamamaalam." Isiniksik pa ni Maine ang mukha sa pagitan ng ulo at balikat niya bago bumulong. "May isang dragon na namamaalam sa kanyang tagapangalaga. Inaawit lamang iyon kung malapit ng mawala sa mundong ito ang isang dragon.Kaya ka nanghihina kanina. Di man sa iyo patukoy ang awit ay nararamdaman mo ang nalalapit na paghihiwalay nila"

Hinaplos ni Alden ang likod ni Maine. Marahan nagtaas-baba ang mga kamay niya roon upang aluin ito. "Pero bakit ka naluluha?"

"Bilang prinsesa ng mga dragon, maliit na parte ko ang kasama nilang nagdadalamhati. Para mamaalam, at umawit ng ganoon ang isang dragon, tiyak na may trahedyang nangyari"

"Kung ganoon, puntahan natin ang dragon na iyon. Baka may maitulong pa tayo"

Natigilan si Maine. "Hindi ko sigurado kung may maitutulong pa tayo. Ngunit, sige, puntahan natin" tumango si Alden bilang pag-sang-ayon.

Noon din ay bumitaw sila sa pagkakayakap sa isa't isa. Mabilis na nagpalit-anyo si Maine bilang dragon at si Alden naman ay nagkaroon ng mahabang kapa na may pandong bago sumakay sa likod ng dragon na si Maine at lumisan sila palipad, patungo sa dragon na umaawit ng pamamaalam.

_ _ _

A/N: Thank you for reading! Wah! Ang sabaw! Nakaka-nose bleed pala ang magtagalog, haha! *tago* 

MomentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon