(c) gifs from maichardgifs.tumblr
1.10.17 AMACon4 - Day 9 : Poetry - The Sound of Moonlight
Tulog na Tisoy
Tulog na Tisoy!
Sambit ni Ina
Buwan ay tanaw
Sa aming bintana
Tulog na Tisoy!
Nang ika'y lumaki
Matangkad at makisig
Sambit ni Ina
Tulog na Tisoy!
Aking mestisong kerubin
Magmahal kang tapat
Sambit ni Ina
Tulog na Tisoy!
Tala sa langit
Balang-araw makakamit
Sambit ni Ina
Tulog na Tisoy!
Magmahal ng sapat
Aki'y ituturo paslit
Sambit ni Ina
Tulog na Tisoy!
Pangarap ay makamit
Iya'y samong labis
Sambit ni Ina
Tulog na Tisoy!
Pamilya ay mahalaga
Mahalin mong labis
Sambit ni Ina
Tulog na Tisoy!
Gustuhin mong lumipad
Masarap iyang pangarap
Sambit ni Ina
Tulog na Tisoy!
Baunin aking pagmamahal
Kailanma'y di kukupas
Sambit ni Ina
Tulog na Tisoy!
Manalig sa langit
Yakapin ang lumikha
Sambit ni Ina
Tulog na Tisoy!
Kailanma'y wag limutin
Pangaral aking banggit
Sambit ni Ina
Ina aking mahal
Asahan mong pakatatandaan
Puso'y ngumiti't ipanatag
Tulog na Ina.
_ _ _ _
A/N: Nagkakabikig ako sa lalamunan dahil sa tulang ito. *bow*
BINABASA MO ANG
Moments
FanfictionIn the midst of his and her busy schedule, sometimes the simplest moment is what makes a treasured memory. [A Compilation of One-Shots]