© Eat Bulaga FB Page
9.2.16 AMACon3 Prompt15
In Time
"What are you doing?" Nagising siyang naroon na...sa malawak na lugar kung saan ang bawat espasyo ay napupuno ng walang hanggang espasyo.
Lumingon ang lalaking nakaupo sa gitna ng lugar na iyon. Ang nag-iisang nilalang na masasabing may-ari ng lahat ng espasyong nasasakupan na kinatatayuan niya. Si Oras.
"Sorting things out" sagot ni Oras. At tumingin sa kanya, bahagyang nanlaki ang mata at napataas ang kilay, "Anong ginagawa mo rito?
Nagkibit siya ng balikat. Lumapit dito at tiningnan ang screen na pinapanuod nito. "Di ko rin alam. Nagising na lang ako na nandito"
"Ah...dahil siguro kailangan kita"
Ipinakita sa kanya ni Oras ang mga nasa screen:
Clips 1:
"Ma, sigurado po ba kayong okay lang na mag-stop na ako sa pag-aartista?"
Ngumiti si Rosario at hinaplos ang pisngi ng anak, "Oo, panahon na para yung pangarap mo naman ang matupad. Ayos na ako. Magaling na. Ang sarili mo naman ang unahin mo anak"
"Mama, kahit anong mangyari, tutulong pa rin ako. Artista man o piloto" ngumiti si RJ at sumaludo sa nanay niya.
Pareho silang tumawa.
_ _ _ _ _
"Ah, yan ba sana ang mangyayari kung nanatili sa mundo si Rosario?"
"Posible...ngunit may mga bagay na kahit posible ay di na maaaring balikan. Lumipas na oras"
Tumango siya. Iba naman ang sunod niyang nakita.
_ _ _ _
Clips 2:
"Yes! Flight attendant na ako!"
"Happy for you, sis"
"Thanks!"
"What do you think will happen if you went to EB instead?"
"No idea. That's already water under the bridge na. Kaya di ko na iniisip"
_ _ _ _
"Posibleng hinaharap na lilipas o maaaring mangyayari"
Natigilan siya ng marinig ang sinabi ni Oras sa nakita nilang eksena.
"Ibig mong sabihin hindi pa ito nangyayari?"
Tumango si Oras. "Nicomaine is asleep. EB just sent a message. Alden is abroad. Ito ang saglit na sandali kung saan posible o di posibleng magsanga-sanga ang kanilang mga daan."
"You're sorting kung ano sa palagay mo ang mangyayari?"
Umiling si Oras. "Hindi...kanina akala ko iyon ang dapat kong gawin pero hindi." Tumitig ito sa kanya. "Pinadala ka rito dahil sa iisang dahilan lamang. Batid na ng Lumikha ang magaganap. Minsan o bihira lang ito nangyayari. At kung tama ang aking hinala..."
Natawa siya. "Minsan? Kulang ang salitang minsan para masabi ang bilang kung saan nagkikita tayo sa walang hanggang panahon"
Ngumiti si Oras. "Tama ka...pero sa minsang mga sandaling iyon. Batid mo ang mangyayari" tumitig ito sa kanya. Mga tingin na puno ng pakahulugan.
Napasinghap siya ng maunawaan ang nais ipakahulugan ni Oras. At tila ba hinintay lamang na maintindihan niyang muli ang bihirang pagkakataon na iyon dahil sa gitna nila ni Oras ay may lumitaw na munting paslit. Magulo ang buhok at tila ba kagigising lang...kinuskos nito ng maliit na kamay ang mga mata. Nang magmulat ito ng mata ay siya ang unang nakita.
Malakas na hagikhik ang bati nito. "Mama!"
Kaagad siyang yumuko at niyakap ito.
Lumingon siya kay Oras, naluluha. Tumango ito.
"Sila ay isa sa minsan na pinagkalooban ng pagkakataon"
"Papa!" tawag ng paslit kay Oras.
Tumawa si Oras at tumayo. Iyon lamang ang isa sa mga sandali na tumatayo ito sa kinauupuan. Kinuha nito ang paslit sa kanya at kinarga. Pagkuwa'y hinila ang kanyang baywang at bumulong. "Nakapag-desisyon na sila ...ito na ang dapat mangyari"
Naluluhang tumango siya, "Salamat sa kanila...muli tayong nagkita"
Niyakap sila ng paslit. Ang kanang braso nito ay nakahawak sa likod ng leeg ni Oras. Ang kaliwang braso ay sa leeg niya. Sabay silang pumikit at ngumiti.
"Ang ating mga sandali ay magiging marami sa desisyon nila. Isa sila sa mga natatangi" saad niya.
_ _ _ _
June four, Nicomaine went to Eat Bulaga's audition. Alden's management managed to get him to continue his stint on Eat Bulaga.
_ _ _ _
Sa malawak na espasyong iyon..sa lugar na sakop ng Oras.
Tumawa ang paslit. Masaya siyang kasama ang mga magulang. Kaya naman habang pinapanuod nila ang mga nangyayari sa mundo, partikular kay Nicomaine at Richard, bigla na lamang nitong nasabi, "Ang saya po siguro kung may bata rin sa tabi nila. Magiging masaya sila lalo, tulad ko sa inyo, Mama at Papa"
Natigilan si Oras at Kapalaran. Ang simpleng kataga ng anak nila ay mga bagay na natutupad sa mundo ng tao.
Pumalakpak ito habang kumikinang ang gintong mga mata, "Oo, magiging masaya nga sila. Si Nicomaine at Richard"
_ _ _ _
Alden and Maine indeed get married. After a year, Maine gives birth to a baby daughter that has Alden's dimple and Maine's alluring eyes.
_ _ _
A/N: Thank you for reading! ^_^
BINABASA MO ANG
Moments
FanfictionIn the midst of his and her busy schedule, sometimes the simplest moment is what makes a treasured memory. [A Compilation of One-Shots]