(c) Cosmo.ph BTS
1.9.17 AMACon4 : Day 8 – Poetry: Three Wishes
Hiling sa mga Bituin
Hiling Ko.
Na makita ka palagi,
Na makasama ka sa aking tabi,
Na mahawakan kamay mo bawat sandali,
Menggay.
Nais Ko
Masilayan mata mong umaangkin,
Ngiting mong kumikinang sa atin,
Palad mong kay init para sa akin,
Tisoy
Hiling Ko
Na makita nilang mahal kita,
Na mabatid nilang ikaw lang ang mahalaga,
Na madama nilang sinsero ang aking pag-ibig,
Menggay
Nais Ko
Marinig mo tahimik kong mahal,
Mabatid mo ikaw ang mahalaga,
Malaman mo sagot kong pag-ibig mo,
Tisoy
Hiling Ko
Malagpasan natin lahat ng pagsubok
Mahalin pa kita ng higit sa ngayon
Magbago man ang mundo pero hindi tayo,
Menggay
Nais Ko
Na sumubok lagi kasabay mo,
Na mahalin ka pa higit sa pagmamahal mo,
Na walang magbabago,
Tisoy
Mahal Kita, Menggay.
Mahal Kita, Tisoy.
Makasama, Mahalin, Magpakailanman
Iyan ang ating Hiling.
_ _ _
A/N: Ako'y tumutula..di ko alam kung makata, haha!
Simula na po ng week prompt na puro tula dapat, kaya pasensya na kung matagalog muna tayo, LOL. Kung tula rin lang kasi, mas gusto ko sa tagalog...I'm not sure, but I think, dahil yun sa Ibong Adarna at Florante't Laura nung high school. *peace* *pero malay mo, ma-taglish din* *wink*
BINABASA MO ANG
Moments
FanfictionIn the midst of his and her busy schedule, sometimes the simplest moment is what makes a treasured memory. [A Compilation of One-Shots]