Photo above is from © Flor Pantorilla
1.19.17 AMACon4 - Day18 : Tagalog FF - Pulang Takipsilim
Tan at Ms. Maine
"Nandito ka na naman, Tan"
"Alam mo ang ginagawa ko kapag ganitong oras, Tuns" sinalubong ng tingin ni Richard ang kaibigan na nasa harap niya, si Kristoffer na tinawag niya sa mas kilalang alyas nito at ganoon din ito sa kanya.
Nasa Manila Bay siya, nakaupo sa mahabang sementong nagsisilbing harang sa dalampasigan nito. Sa harap niya ay ang malawak na karagatan at kalangitan na nagtatagpo sa gitna ng tila walang hanggan. May ilang barko sa malayo at maliliit din na bangka.
Malamig ang hangin pero walang epekto iyon sa kanya. Tulad din na tila normal lang kay Kristoffer na tumayo sa ibabaw ng tubig. Normal lang iyon para dito na kung tutuusin ay kaya din niyang gawin. Pero hindi ngayon, may hinihintay kasi siya. Di tulad ng kaibigan na di nakikita ng may normal na mata ay hinahayaan niyang makita siya ng mga mortal.
Minasdan niya ang kalangitan, naghahalo na ang kulay dilaw at kahel, takaw pansin ang tingkad ng pulang palubog na araw....ang pulang takipsilim. Ang hinihintay niyang oras.
Ngumuso si Kristoffer. "Parating na yung hinihintay mo"
Lumingon siya mula sa kinauupuan at nakita niyang naglalakad patungo sa pwesto niya ang dalagang kanina pa niya hinihintay.
"Sige, kita na lang tayo mamaya, Tan. Maiwan muna kita dito" sabi ni Kristoffer habang pabiro pang sumaludo sa kanya bago tumalikod, hinati ng kamay nito ang ere bago tumagos doon at tuluyang nawala.
Pag-alis ni Kristoffer ay eksakto naman naupo ang dalagang hinihintay sa tabi niya. "Kamusta, Ms. Maine" bati niya kahit di ito nililingon at patuloy na tumingin siya sa malawak na dagat at langit.
"Mabuti naman ako, Tan" sagot nito na maririnig ang tuwa sa tono. Inabot nito sa braso niya ang dalang meryenda na tinapay, umiling siya pero nanatiling inaabot pa rin nito iyon.
Malungkot ang mga mata na ngumiti siya. Sa tuwing darating si Maine sa lugar na iyon at uupo ito sa tabi niya. Aalukin siya nito ng kung anumang pagkain na dala nito. At lagi naman niya itong tinatanggihan. Bilib siya sa di nito pagkasawang alukin siya, araw-araw.
"Kumain na ako" sabi niya at noon lang binaba nito ang kamay na may hawak na tinapay.
Ngumiti si Maine. Nakaharap din ang dalaga sa kalangitan. Nililipad ng hangin ang nakalugay nitong buhok. Sa kumakalat na kulay kahel at dilaw na liwanag mula sa mapulang araw ay lalong tumitingkad ang ganda nito.
Maganda si Maine, madalas nga niyang masabi sa isip na sa sobrang ganda nito ay masakit ng makita...Makita itong...di natatanaw ang ganda taglay nito, maging ang paligid.
Ilang buwan na ang nakalipas ng mawalan ito ng paningin dulot ng isang aksidente. At dahil sa kalungkutan ay nagkita sila doon. Sa kahabaan ng Manila Bay, isang araw, ito, nasasaktan sa kawalan ng liwanag at siya, pagod ng makakita ng liwanag. Tuwing mapula ang araw at pa-takipsilim ito dumarating at ganoon din siya. Naalala pa niya ang araw na iyon.
"Ano pang silbi kung di ko rin naman makikita ang mga ginagawa ko? Wala! Walang silbi! Nakakainis!" reklamo ni Maine habang nakaupo sa isa sa upuan sa harap ng Manila Bay. Hinatid siya ng kanyang tagapangalaga doon ng sabihin niyang gusto niyang magpahangin.
Isa sa mga naglalakihang gusali sa harap ng Manila Bay siya kasalukuyang tumutuloy. Naroon din ang silid kung saan siya nagpipinta. Di niya alam kung paano niya napagpapatuloy ang kanyang talento kahit isang buwan na ang nakalipas buhat ng mawalan siya ng paningin pero nagagawa niya. Ngayon nga lang ay wala siyang ganang magpinta at naiinis siya ng di niya mawari.
BINABASA MO ANG
Moments
FanfictionIn the midst of his and her busy schedule, sometimes the simplest moment is what makes a treasured memory. [A Compilation of One-Shots]