The Sun Princess: A Duke's Visit

166 15 0
                                    

1.22.17 AMACon4 : Day 21 - Tagalog FF : Sa Huling Sandali

The Ice Prince and the Sun Princess part 2 (before Princess Nicomaine) 


The Sun Princess: A Duke's Visit


Tahimik na nagmamasid si Nicomaine sa hardin ng palasyo. Doon siya naglalagi matapos makapaglibot sa kaharian buong araw.

Isang buwan na rin mula ng maging kabiyak siya ng prinsipe ng kaharian ng yelo. Isang gabi matapos silang maging mag-asawa at magkasama, kinabukasan rin ay lumipat ng silid ang kanyang asawa. Matapos noon ay iniwasan na siya nito, na hindi niya maunawaan kung bakit.

Pinilit niya itong makausap ngunit madalas na wala ito sa palasyo at kung tatanungin naman niya ang mga tauhan ay walang nagsasalita. Kaya, sa halip na ikainis at magmukmok siya, napagpasyahan na lang niyang gawing makabuluhan ang pagiging asawa ng prinsipe ng kaharian.

Tuwing umaga ay nililibot niya ang nasasakupan ng kaharian at kinakamusta ang kalagayan ng mga mamamayan nila. Sa umpisa ay nanibago ang mga ito pero kalaunan ay nasanay na rin. Higit pang natuwa ang mga mamamayan ng yelong kaharian ng mapansin na tuwing naglilibot siya ay higit na lumiliwanag ang paligid at napupuno ng kaaya-ayang init ang bawat madaanan niya. Naghahatid iyon ng ngiti sa bawat tao kaya naman pinangako niyang gagawin iyon araw-araw. Isa pa, nawawala sa isip niya ang ginagawang pag-iwas ng kanyang asawa tuwing maglilibot.

Napabuntonghininga si Nicomaine. "Hanggang kailan ako tatagal sa ganitong sitwasyon?" bulong niya habang hinahaplos ang isang talulot ng rosas. Sa taglay niyang init at liwanag mas higit na naging mayabong ang mga halaman na nasa hardin. Kaya gusto rin niyang doon namamahinga.

Napalingon siya ng marinig ang mga yapak na papalapit. Ang duke ng kaharian ang nakatayo sa malayo, isa sa matalik na kaibigan ng kanyang asawa, si Duke Flin Tuns. Napakunot-noo si Nicomaine. Mabibilang lang sa mga daliri niya sa kamay ang bilang ng pagkikita nila. At tuwing makikita niya ito ay nagbabago ang takbo ng buhay niya. Ito rin kasi ang sumundo sa kanya mula sa kaharian nila para maging asawa ni Richard, ang prinsipe ng kaharian ng yelo. Ganoon ito pagkatiwalaan ng kanyang kabiyak.

"Tiyak na ikagagalit niya na pinuntahan kita pero hindi ko na kaya ang mga nangyayari" sabi ng duke. Dalawang hakbang ang nilakad nito palapit pero malayo pa rin iyon sa kanya. Tulad ni Richard ay nababalot din ng lamig ang katawan nito at maputla, isa sa katangian ng mga naninirahan sa kaharian ng yelo.

"Si Richard, ang kaibigan ko" mahinang pasimula nito, tumitig sa kanya at namulsa bago sinabi, "Ginawa niya ang lahat ng paraan upang lumayo sa iyo. Kahit pa pinakasalan ka niya, dahil napilit ko siyang pakinggan ang nilalaman ng puso niya"

Napakunot-noo si Nicomaine. "Anong sinasabi mo, Duke Flint?"

"Batid ng mga malalapit sa prinsipe, maging ng kanyang yumaong ama, na mahal ka niya. Kaya sinigurado namin na magiging kabiyak ka ni Prinsipe Richard"

Napasinghap siya. Di makapaniwala sa sinasabi ng kaibigan ng asawa. "Nagsisinungaling ka. Kung mahal niya ako, bakit niya ginawa ang mga bagay na iyon matapos naming ikasal? Iniiwasan niya ako. Sa laki ng palasyo, ginawa niya ang lahat ng paraan upang masiguradong di ko siya makikita. Tinupad ko ang kahilingan ng aking ama, ang kasunduan at ang aking tungkulin bilang isa sa mga prinsesa ng aming kaharian. Hinayaan ko ang sarili kong maging asawa ng isang kaharian na batid kong magpapahina ng aking kakayahang magliwanag at uminit"

"Mahina ka pa nyan?"

"Di na iyon mahalaga, ano ba ang pinunta mo dito? May utos na naman ba ang mahal kong asawa? Ano yun? Magtago ako sa silid? Umiwas sa bulwagan ng mga bisita? Ano? Sabihin mo? Napapagod na akong sumunod sa mga utos niya. Nakalimutan ata niyang isa akong prinsesa. Pinalaking nakukuha ang mga gusto sa abot ng aking kakayahan"

Sa halip na magsalita ay natigilan ang duke sa mga sinabi niya. Tumikhim ito bago sumagot. "Inutusan nyang ihatid kita pabalik sa kaharian ng araw pero----" bago pa makapagpatuloy si Duke Flint sa sasabihin ay napaatras ito.

"Ano?! Tama na! Di na ako susunod sa anumang iutos ng asawa ko. Nasaan siya?! Ako mismong magsasabi sa kanya na kung gusto niya akong ibalik sa palasyo namin, siya dapat ang maghatid sa akin!" turan ni Nicomaine, nagpanting ang tenga niya ng marinig ang sinabi ng duke. At batid niya na kaya ito napaatras dahil sa naglalabas siya ng init na higit sa normal na temperaturang kaya ng isang taga-kaharian ng yelo. Wala na siyang pakialam. Galit na siya at isa sa patunay niyon ay ang pag-iinit ng paligid, higit pa sa normal.

"Ah, eh, di ako siguradong---"

"Nasaan siya?!"

"Sa silid niya"

"Ano? Ang silid niya ay ang silid na tinutulugan ko"

Napaubo ang duke, "Hindi ba niya nabanggit na may karugtong iyon na silid? May tagusan iyon sa katabing silid. Doon siya natutulog"

Napanganga si Nicomaine. Pakiramdam niya ay magliliyab siya anumang oras. Kasabay noon ay di niya maunawaan ang nagbabadyang luha sa kanyang mga mata. Walang sabi-sabi na mabilis siyang lumisan sa hardin.

Iniwan niya ang duke na natutulala. Di tuloy niya nakita ang pahabol na ngiti nito at bulong, "Patawad kaibigan, pero gagawin ko ang lahat masigurado lang na di ka mawawala sa mundong ito"

_ _ _ _


A/N: Eherm! Eherm! I need to let this out ^_^ ..so please bare with me for awhile..

Ang totoo po nyan, di ko alam san nanggaling itong part na ito, hehe... yung Tagalog FF week kasi ng AMACon4...parang nawiwindang ang utak ko na ang daming sumusulpot na kung ano-ano, yan tuloy, lahat ata ng fantasy na na-suppress sa brain cells, naglilitawan, haha! *hence, the "Lakan" one-shot all of the sudden*

Yung tipong nari-rendahan lang ata ng taglish ang utak mo..kaya nung nabigyan ng laya na fully mag-tagalog, kung ano-ano po tuloy ang lumilitaw. *I'm not used to it* kaya, don't worry, this tagalog phase will pass, hehe! Yun lang po. SALAMAT PO SA BUMASA. *bow*

P.S. Di po ito ang Official entry for Day 21 *may official entry pang nalalaman, char!*....yung next chapter po ^-^ Thanks po.

 Note:  CTTO to chapter photo  

MomentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon