Dalawa Tayo

148 6 0
                                    

(c) aldubmode.tumblr

AMACon4 - Day13 : Poetry - Two for the Road


Dalawa Tayo


Sa daan patungong mithiin

Nagtagpo mga mata natin

Ngiti di napigil suklian

Mundo'y nagbago't nakulayan


Isang hakbang naging dalawa

Bawat palakpak dumami pa

Tibok ng puso sumabay na

Kamay naghawak humigpit pa


Galaw natin katumbas isa

Daan bumukas sanga-sanga

Magkasama at umaasa

Basta dal'wa tayo't iisa

MomentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon