Ang Laban Natin

178 8 0
                                    

1.12.17 AMACon4 – Day11 : Poetry : A Quiet Rebellion


Ang Laban Natin


Sabi nila hayaan lahat ay maging masaya

Lasapin bagay na biyaya nung tayo'y magkakilala

Sinunod nais ng taas pagka't ako'y mapagpasalamat

Naghintay at umasam na malapit na, malapit na

Papayag din sila, ika'y aking lubos na makikilala

Dumating panahon, oras ay lumipas, walang nagbago

Isip kong nagtatanong wala pa ring kasagutan

Pusong kong nananabik di pa rin pinagbibigyan

Kaya naman katauhan noon ay nagpasya

Kung ayaw nila, sino ba sila?

Ikaw, Ako, Tayo ang bubuo ng mga sandali

Di na muling maghihintay sa sasabihin ng iba

Pagka't puso't isip ay nananabik sa kapares na makamit


Lahat nagbago ng araw na ika'y nagtanong

Dami ng matang nakatutok tila iyong di natatanaw

Lakas ng hiyawan at tawana'y naging katahimikan

Pintig ng puso ko'y tumakbo patungo sa iyo

Narinig mo kaya? nahulaan sa aking mga mata?

Gulat ay di naikubli ngunit mabilis naitago ng ngiti

Tumango ako't sumambit, alam mo ba anong tumama?

Sa mga mata mo at labing ngumiti noo'y nabatid

Tama ako ng hula na ika'y naghintay lamang

At ngayon nga'y di naitago lihim na pagtangi

Pagka't ang tanong na iyo'y binibitawan lamang

Nang isang pusong may pagtatanging makamit

Tuloy ako'y napawari kung ganun ba kahalata?

Gawi ng puso ko rin na tumatangi sa iyong ngiti

Panahon nga lang ba ang makapagsasabi?

O puso mong kumakatok sa aking tabi?


Huwag mong ipabatid ang nais, sabi nila

Sinambit ko ng araw na iyon at di pinigil

Huwag mong palakihin ang nais ng tadhana

Ginawa ko lahat ng ninais ng kapalaran

Hindi ikaw ang magsasabi at gagawa

Sinabi ko't ginawa sigaw ng pusong di papapigil

Hindi ka karapat-dapat, sabi nila

Lumaban ako't pinatunayan, bakit? sino ba sila?

Hindi iyan ang plano ng nasa taas

Bumulong ako't umasam, kaya batid kong batid niya

Hindi maari, hindi pwede, walang mangyayari

Maari, pwede, mangyayari, sagot ko

Hindi madidiktahan puso't isip kong ako ang may-ari


Nanibago ako sa bilis ng panahong kinabilangan

Ninais makinig sa payong makabubuti sa akin

Pinakinggan isip at saglit na bumulong ang puso

Alam ko bawat kilos at galaw na iyong ginawa

Mga laban na natalo ka't nanalo para sa akin

Napagtanto ng oras na iyon ang pasya ng puso

Kung ito'y laban natin,kampi tayo anuman mangyari

Iyong pusong kumatok, hinayaan kong pumasok

Kaya naman, mga ayaw at gusto nila'y tapos na

Ang sa iyo, ang sa atin, doon lang ako makikinig

Kasama mo ako anuman ang sabihin ng iba

Kakapit, di man sabihin at aasa sa bawat sandali

Magkasama tayo't di bibitiw sa pangarap na iisa

Puso mo't, puso ko, ngayon ay magkasama

Sigaw nila, sabit nila'y di na mahalaga pa

Ngiti mo, tawa ko, iyon lang sapat na.

Halika na't simulan, patungo sa ating magpakailanman.

MomentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon