8.20.16 Day 3 of #AMACon3 Drabble Challenge
SI TISOY AT ANG BALYENA
Alden and Maine parasailing:
"Wahhh!" sigaw niya
Natawa ako at tumingin sa dagat. Ang ganda, ang lawak, masarap ngang mapa- Waahh! Sisigaw na rin sana ako ng may mapansin ako sa malayo, Tama ba yung nakikita ako?
Kinalabit ko si RJ. "RJ, balyena ba yun?" tinuro ko yung parte ng dagat kung san ko nakita.
Tumahimik siya. Binulsa ang phone ko at tumingin din doon.
Kumapit siya sa braso ko. Napalingon ako. Di ko makita ang mata niya dahil sa suot na shades pero wala na ang ngiti sa labi niya. Napakunot-noo ako. Lumingon uli sa karagatan. "Ano? Nakita mo ba?"
Marahan siyang umiling. Maya-maya pa ay inikot na ang mga braso sa akin. Huh? Anong nangyayari?
Tinanong ko siya uli, "Ano? Balyena nga di ba? Meron ba dito sa Boracay nun?"
Hindi siya sumagot pero humigpit lang ang yapos sa akin. Nanibago ako saglit. Nagtangkang humalagpos pero wala. Walang epekto. Bumuntonghininga ako. Ang lapit ng mukha niya. "Anong nangyayari sa iyo?"
Tumitingin siya sa akin. Halos gahibla na lang ang layo ng mukha niya sa akin. Iniyuko niya ang ulo. Pinatong ang noo sa balikat ko. Noon ko narinig ang bulong niya. "T-takot ako sa balyena"
Tama ba yung narinig ko? "Anong sabi mo? Pakiulit nga" tanong ko uli, kasi baka namali lang ako ng dinig.
Bumulong siya, sa tenga ko na mismo. Napaigtad ako. Parang nakiliti ako at nakuryente, pero wala naman akong kawala sa kanya kaya hinayaan ko na. "Ang sabi ko, takot ako sa balyena"
Nilingon ko siya, kasehodang halos gahibla na lang ang layo ng mukha namin, matagal akong natahimik. Tumingin lang siya....at di ko na napigilan. Tumawa ako ng napakalakas. "Hahahahaahahahahahaahahaha!" Siguradong dinig ata sa buong Boracay ang tawa ko.
Napasimangot siya. Pero tumatawa pa rin ako, di ko mapigilan. Ilang saglit lang tumawa na rin siya...yung ilang sandal namin sa taas, habang tanaw ang dagat sa ibaba, tumawa lang kami ng walang humpay. Ito yung Tawa pa more na sinasabi nila.
Nag-sign na yung mga nasa ibaba na ilang saglit na lang at matatapos na daw kami sa taas. Lumingon ako sa kanya at nakangising sinabi, "Galing mong bumawi, salamat" Inilapit ko ang mukha sa kanya. Pareho kaming nakangiti ng dumampi ang aming mga labi, ang langit at dagat lang ang saksi.
_ _ _ _
Inaasar na naman ako ng babaeng ito. Nag-text ba naman, "RJ, napanuod mo na ba yung In the Heart of the Sea?"
Syempre, hindi ko pa pinapanuod. Bukod sa busy ako, tungkol yun sa PINAKASIKAT na balyena. Alam naman niya kung anong meron sa akin at sa balyena?!
Ilang saglit pa nagkita na kami. Ang ganda ng ngisi. Ano ba itong babaeng ito? Pag pinilit ako nito manuod nun, wala akong kawala...alam kaya niyang di ko siya kayang hindian? Mukhang alam niya, lalo pang lumawak ang ngiti eh.
Wala na. Isusuko ko na ito.
This is going to be a nightmare...
Tiningnan ko ang kumikinang niyang mga mata.
A beautiful nightmare.
_ _ _ _
A/N: Thanks for reading! ...may isa pa sana akong entry kaso nasa phone kaya di ko pa ma-post, haist. ^_^
CTTO to pic used for chapter image...yes, the pic is misleading, hehe! *peace*
BINABASA MO ANG
Moments
FanficIn the midst of his and her busy schedule, sometimes the simplest moment is what makes a treasured memory. [A Compilation of One-Shots]