© aldubmode.tumblr
8.30.16 AMACon3 Prompt13
Kamay ni Tisoy
Alam nyo yung pakiramdam na natutulog ka ng matagal...tapos gumising ka at ginagawa mo ang mga bagay dahil kailangan.
Nag-e-exist ka kasi kailangan, kasi hindi ka pwedeng humintong mabuhay dahil may gusto kang marating, yung maraming nakasalalay na mga bagay sa iyo...ganun ako.
I simply exist because I am needed and I am needed because I have a firm resolve to make sure things is accomplished for a more solid future...where I could relax and finally be at ease.
Na-imagine ko lahat yun habang nagpapakapagod akong gawin ang maraming bagay.
Kahit madalas marami na akong nahawakan na dumating at madaling nawala. Hinawakan na pilit di binitiwan pero di kinaya at tuluyang nawala. Oo, madalas nakakapagod.
Sa kabila ng pagod, minsan ko pa lang naramdaman ang matinding panghihina, yung manlalamig ka at manginginig na parang anumang oras ay mapaparalisa ka na. Doon ko naramdaman ang matinding takot.
Iisang init lang ang lagi kong kinapapanabikan na hawakan noon.
At ang init na iyon ang madalas na dahilan kung bakit ako nagpapakapagod...pero tulad ng mga bituin sa langit na lumilipas ang kinang... ang init na iyon ay nawala.
Dama ko ang pagkawalang magawa, nang unti-unting maglaho ang init na isa sa pinakamamahal kong tangi. Iniyakan iyon ng katawan ko, habang ako'y nanghina pansumandali.
Tinatagan ko ang loob pagkatapos noon. Hindi na ako pwedeng muling magpakita ng kahinaan. Dahil kapalit ng pagkawala ng init ay ang madaming mga kamay na umaasa sa akin.
Nagdaupang palad kami at nangako nang mawala ang init na aming pinakamamahal, nasa bawat isa sa amin na iyon kukunin. Magpapatuloy ang buhay, ganoon din ang mga pangarap na inasam ko at siyang nagmula sa init ng palad ni ina.
Lumipas ang mga taon, nasanay na ako sa maraming bagay.
Kailangan kong hawakang mabuti ang dating pangarap ni ina na ngayon ay pangarap ko na.
Ibalanse ang lahat ng bagay. Unahin ang dapat at ipagpaliban ang iba. Madalas nahihirapan pa rin akong gawin iyon. Lalo na kung naririnig ko si puso na nagrereklamo, pero madalas naman siyang inaalo ni isip. Lahat kami sumusunod dahil kailangan iyon para mabuhay.
Ngunit may isang bagay na nangyari na di namin inakala. Isang bagay na hindi namin pinangarap pero dumating.
Nagulat ako. Hindi ko alam na pwede pala iyon. Na posible palang makahanap ng init na siyang muling magpapawi ng pagod at sakit ng kahapon. Na magpapasaya kay puso at magdudulot ng kapanatagan kay isip...At higit sa lahat nang walang humpay na init sa akin.
Nang una ko siyang maramdaman, natigilan ako. Inisip kung nanaginip nga lang ba ako? Na epekto lang ba siya ng aking imahinasyon.
But it can't be. She's warm. Iyong tipo ng init na naglakbay mula sa akin patungo sa aming lahat.
Kay puso na nagising at tumalon, kay isip na tumawa at ibinahagi, ikinuwento iyon sa buong katawan namin. Madaming parte ang nagising at lahat sila nakatutok sa akin. Nag-aabang ng aking gagawin. Hindi ako pwedeng magkamali, masyado siyang mahalaga. Hindi ko siya bibitawan hangga't di siya nangangako na muli ko siyang madadama.
Tumawa siya. Natuwa sa aking mga pagdama. Ang init niya, naging init ko rin.
Tulad ko, matagal din niyang hindi nakita ang ganitong klase ng saya, na posible pala. Na makita at makilala. Ang natatanging init na gigising at magpapasaya sa iyong buong pagkatao.
Noon din, kami ay nangako. Muling magsasama at magdidikit ano man ang mangyari. Walang makapipigil.
Nang araw na iyon ng Oktubre, lahat kami nagpulong.
Ako, si Puso at si Isip.
Siya at ang kanyang Puso at Isip.
Gagawin namin ang lahat sa abot ng aming makakaya upang kailanman ay di na muling magkawalay pa.
_ _ _
A/N: Alam ko dapat walang fave...pero this drabble is one of my fave ^_^
P.S. If I could, three version sana ang gagawin ko, ahaha! *kaso, kulang sa time at super busy eh *pout** I like this topic, ewan ko ba, bakit? *wink*
BINABASA MO ANG
Moments
FanfictionIn the midst of his and her busy schedule, sometimes the simplest moment is what makes a treasured memory. [A Compilation of One-Shots]