DTBY FF: BS 2 - Box of Happiness

172 11 1
                                    


Benjie's Sunshine 2: Box of Happiness by @eternal_chi


"Eddie, maganda iyong mga suggestion mo, I like it, isasama ko siya sa----"

"Hello! Hello! Good morning, Pilipinas! Yes! Yes! This is your shinin', shimmering DJ. The one...and the only, DJ Sunshine! Who got you? Who got the day? The Hugot in me! Chos! Char lang yan, pero di Char ang mga baon kong Hugot today. Kaya abangan! At dahil maaraw at mainit, dun muna tayo sa pam-palamig ng umaga, Halo-Halo! Di 'yung dessert ha, but it's our playlist for today... Halo-Halong Hugot, hahaha! Yes, Triple H coz summer is just Hot, Hot, Hot! Here is Hailee Steinfields's"Starving".

...I didn't know that I was starving since I tasted you... [music notes]

"Sir? Sir? Malakas po ba iyong radio namin" pinandilatan ni Eddie ang iba pang ka-officemate para pahinaan ang volume ng radio, na mabilis naman ginawa ng ka-officemate na malapit sa radio.

Umiling si Benjie.Si Sinag 'yun ah? Tama ba ako ng dinig? Boses nya yun? "It's okay. Kung namo-motivate kayo at nai-inspire sa paggawa ng trabaho with the radio on, okay lang. Mukhang ang enthusiastic nung DJ, umagang-umaga pa lang ah. Bagong station ba 'yan?" ngumiti siya.

"Naku, Sir Benjie! Bagong DJ iyan sa DTBR 143.3, si DJ Sunshine, siya si viral girl, ang may Hugot video at kinuhanga sya as DJ ng radio station na yan. Ang galing po nya magbigay ng hugot at love advice" mabilis na bibong kwento ni Nico na isa rin sa mga architect on his team.

Natawa si Benjie, madalas tahimik si Nico pero mukhang fan ito ng new DJ."May viral video sya?"

"Yes, Sir. Nakakatuwa ang viral video nya. Kahit puro Hugot, ang kwela."Napakwento na rin na sabi Eddie.

Noon naman dumating si Jason, may dala itong mga rolled plans from the other departments, "Oh, sinong pinag-uusapan nyo?"

"Ah, ang bagong DJ po ng DTBR 143.3 na si DJ Sunshine" sagot agad ni Eddie

"DJ Sunshine?"nakataas ang isang kilay na sabi ni Jason.

Noon muling narinig ang bosesni DJ Sunshine on the radio:

"And that is Hailee Steinfield's "Starving"...nagugutom na ba kayo? Ako rin eh... gutom sa pagmamahal...hahaha! Char! Pero seriously, pagmamahal ng isang mabait na kaibigang manlilibre daw sa akin, haha! Ninay! 'yung pangako mong halo-halo ha, aasahan ko yan!" *insert radio commercial-malamang Chowking Halo-halo*

Nagkatinginan si Benjie at si Jason. Tumango si Benjie, Ninay, tiyak niya na pareho sila ng iniisip ni Jason.

"Yes, she's very animated on the radio" sabi ni Benjie bago napa-isang palakpak, "Okay, we can treat her as an example, be enthusiastic on your job. Let's go, this might be the start of a good week. Sige, continue what you've been doing" sabi niya bago bumalik na rin sa sariling office cubicle.

Sumunod naman si Jason at nilapag ang mga dalang plano sa harap nya. "So, DJ Sunshine huh?"

"Yes, obviously, she's Sinag"

"Wow, kilalang-kilala mo ang boses ah"

"Ilang beses ba natin narinig ang Radio Pelangi? Syempre, pamilyar na tayo"

"Tayo? Ikaw ang mahilig makinig dun. Dinamay mo pa ako .So, anong gagawin mo?"

Malakas na napabuntonghininga si Benjie. Dinampot ang mga planong nasa mesa na niya, "Magta-trabaho. Iyon ang gagawin ko, magta-trabaho. Tulad niya, magtatrabaho din ako. Okay, Jason?"

"Sige, Sige. Magtrabaho ka na" sabi nito na napapailing at pa-atras na lumayo na.

Ilang saglit pa ay nagsimula si Benjie na tingnan ang mga blueprints ng bumalik si Jason na may dalang mini-radio.

MomentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon