Prinsesang Araw

166 9 2
                                    


(c) watermark

1.11.17 AMAcon4 : Poetry - Day10

Prinsesang Araw


Matagal na panahon ika'y tinatanaw

Bundok at kalangitan man ang pagitan

Humiling at umasam sa balintataw

Gustuhin ma'y batid na kasalanan


Ngayon ika'y abot nitong yelong kamay

Sinasakop na init ilang dipang langit

Binigay asam ng pusong lamig

Sa hiling ng pag-ibig, saya'y sumabay


Palibot ng kastilyong yelo bihag ng lamig

Pinagtagni ng langit, lamig at araw

Sinakop, pinaloob ng mapagpanggap na lamig

Araw, prinsesang puno ng init, puso'y nanabik


Niyakap ang pagkakataon na ika'y gawing akin

Init na hatid ay marahang napawi, liwanag pumusyaw

Noon na batid, init mo'y kailanma'y di matuturing akin

Bihag ng pumapaloob na lamig araw mong hatid

_ _ _


A/N: Late post...kasi hinanap ko pa san ko na save ang soft copy nito, hehe!

P.S. This poem is somehow related to "The Ice Prince and the Sun Princess" ^_^

P.S.S. While back reading this... I now, realized... ito pala ang POV ni Prince Richard after that first night. *okay, silent na ako*


MomentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon