Sumulat

232 19 0
                                    

©  EB FB Page

9.9.16 AMACon3 Day 22 Drabble Challenge


Sumulat


"Sumulat? Nang ano? Kung paano maging masaya? Matagal ko nang naisip yun. Para maging masaya ay ang maging kontento...pero ngayon, kung tatanungin ako kung paano maging masaya, ang isasagot ko, "Si Maine Mendoza, siya. Siya ang kaligayahan ko." Sasabihin ko yun ng may ngiting aabot hanggang langit para alam ni mama na ayos ako at masaya. Na wala siyang dapat alalahanin...yung ngiting magsasabi na ito ang kaligayahan ko kaya maging masaya rin kayo para sa akin. Yun. Yun ang ngiti na meron ako ngayon. At kung susulat ako tungkol sa kung ano ba ang nararamdaman ko ngayon, simple lang, kasi kung tutuusin hindi na kailangan ng maraming mga salita. Isang smiley lang, okay na. O, kaya, sumasayaw na banana! Pag pinahiga mo kasi yun nakangiti pa rin, hehe!"

"Ano yang sinusulat mo?"

Tumingala ako sa taong dahilan kung bakit bigla ko na lang naisipan na isulat ang nararamdaman ko ngayon. Ang babaeng nakakapagpagawa sa akin ng mga bagay na di ko inakalang kaya kong gawin at magagawa ko sa buhay ko.

Ngumiti ako. At tulad ng nakaugalian na niya tuwing magkikita kami o di kaya pag bigla na lang siya sobrang naku-cute-an sa akin Hehe! Kahit madalas ayaw niyang aminin. Pinisil niya ang kaliwang pisngi ko, dun sa dimple. Tapos hinalikan ang aking noo. Ginagawa niya yun pag kaming dalawa lang sa kwarto. Tulad ngayon.

On break pa kasi sa taping at yung mga kasama namin, busy sa labas at malamang ay binigyan din kami ng privacy para makapagpahinga.

"You're writing it on my own notebook"

"Wala ito, naisipan ko lang mag-take notes. Since nandito ang notebook mo, dito ko na lang sinulat" kumindat ako sa kanya, "You're free to read it later, pag pauwi ka na"

Napakunot-noo siya. "Para sa akin yung sinulat mo?"

Tumawa lang ako. Tumayo at niyakap siya. Hhmm. Ang bango! Walang katulad!

Gumanti siya ng yakap sa akin. Bago itinapat sa aking dibdib ang kanyang mga palad at sinabi, "So, dapat meron di akong isulat para sa iyo?"

Nagkibit-balikat ako. "Ikaw, kung gusto mo. I'll read it"

Ngumiti siya. Yung ngiting abot tenga at kumikinang ang mga mata. Susmaryosep! Tumalon ang puso ko! Ano na naman kaya naisip niya?

"Iuuwi ko yung notebook, so...di ko pwedeng isulat dun yung mga gusto kong sabihin sa iyo kasi di mo mababasa mamaya, unfair.. pero may naisip ako"

Hindi ako nagsalita. Hinintay lang ang susunod niyang gagawin.


Kinuha niya ang ballpen sa mesa na malapit sa amin, hinila ang kanang braso ko at itinaas ang manggas ng suot kong polo. Nanlaki ang mata ko pero di nagprotesta. Nagsimula siyang magsulat.

"Masaya ako araw-araw. Isa ka sa nga dahilan nun. Thank you.

-Mula sa kahati ng puso mo, ingatan mo lagi ang katawan mo ha. Huwag masyadong magpagod. Tandaan, hati tayo... pag wala ka, di ako buo. Lamyu!"

Nang matapos siyang magsulat ay tumingkayad siya bago matunog na humalik sa aking labi. Napangiti ako ng labis at hinila ang katawan niya upang mayakap. Di naman siya nagprotesta at sumandig sa pagitan ng leeg at balikat ko.

Babasahim ko na sana ang nakasulat sa aking braso pero pinigilan niya ako.

"Mamaya na pag-uwi, saka mo basahin. Para sabay tayo"

Tumango ako. Hinalikan ang taas ng kanyang ulo.

Tahimik lang kaming nagyakap. Iyong mga sinulat namin, simple lang kumpara sa nararamdaman namin sa mga ganoong pagkakataon...tahimik, kami lang at magkasama. Payapa ang mundo.

MomentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon