1.16.17 AMACon4 – Day 15 – Tagalog FF : Pana-panahon ng pagkakataon, maibabalik ba ang kahapon?
Two of One II : Reunion
"I hope this work out, A" Nag-aalala na sabi ni Siegfried sa kapatid na si Athena.
Nasa isang kainan sila sa loob ng MOA, naghihintay sa pagtitipon na dadaluhan sa SMEX. Matapos ang bungguan nila sa paliparan ay nag-usap ang magkapatid. Di nila akalain na naitago ng mga magulang ang napakalaking sikreto na iyon.
Hanggang sa kasalukuyan kapag iniisip ni Siegfried ay di pa rin siya makapaniwala.
"Good bye, Mom. I'll talk to you later"
"Siegfried, wait! Athena, wait---!"
Bago pa man muling makapagsalita ang ina sa video call ay binaba na niya iyon. Matagal silang nagtinginan ng dalagang kaharap,nagkabungguan sila sa loob ng paliparan. Ang babaeng halos eksaktong kamukha ng kanyang ina. Sa pagkakatawag dito ng ina nya pagkakita sa video call kanina, sigurado siyang may koneksyon sila.
Tumikhim siya. "Hi, I'm Siegfried Richard Faulkerson" sabi niya habang nais makipagkamay.
Ilang saglit na nakatingin sa kanya ang dalaga, nagbaba ng tingin ito mula sa mukha niya hanggang sa paa at muling bumalik sa kanyang mukha. Napangiti si Siegfried. Napasinghap naman ang dalaga.
"You, you look exactly like, Dad" turan nito.
Tila naman may kirot na naramdaman si Siegfried ng marinig ang salitang "ama". Buong dalawampu't isang taon ng buhay niya ay wala siyang ideya sa ama. Inakala niya na matagal na itong pumunta sa langit. Ngunit isang malaking maling akala pala iyon sa isip niya. Dahil ang babaeng nasa harap niya ang magpapatunay na buhay ang kanyang "ama" o mas tamang sabihin na "ama" nila?
"Do I? Hindi ko alam eh, I never met my dad" mapait na ngiti ang sabi niya
Mabilis namang inabot ng dalaga ang kamay niya. Mainit at malambot, tulad ng kamay ng kanyang ina. Natulala siya sa mga mata nito. Ang bilugan at kulay tsokolateng mata ng kanyang ina ang kapareho nito. Nang ngumiti ito ay lumitaw ang isang biloy sa kaliwang pisngi. Iyon ang pagkakaiba nila. Nasa kanang pisngi kasi ang nag-iisang biloy naman niya.
"I'm Athena Charmaine Faulkerson" mabagal na pagkakabikas nito. Katulad niya ay malamang napagtagni-tagni na nito ang posibilidad. Tanda ng paglaki ng mga mata nito. "We have the same surname?"
Napahawak siya sa batok at huminga ng malalim, "Apparently, I might be your brother"
"I have a brother?"Napanganga si Athena. Halos pabulong sa sarili. Muntik namang mapahagalpak ng tawa ni Siegfried, buti na lamang at napigil niya. Sobrang pareho kasi ang ekspresyon ni Athena at ang ina niya...nila pala...kapag nagugulat. Eksaheradong gulat pero sobrang nakakatuwang pagmasdan.
"Yes, I think, ako yun" sagot ni Siegfried, nag-aabang na siya sa reaksyon nito. Ngayon pa lang, sigurado na siyang kapatid niya ang dalaga. Di maikakailang ang ekspresyon nito ay nakuha nila sa ina.
Saglit na natigilan si Athena bago biglang napayakap sa kanya. Sa lakas ng pwersa ng yakap ay muntik ng matumba si Siegfried.
"I have a brother! I have a brother!" may pagkamangha na sabi ni Athena habang sigaw nito sa tenga niya. Napangiwi saglit si Siegfried. Pinagtitinginan na sila ng mga tao sa paliparan.
Marahan siyang tumango. "Ang mabuti pa, let's get some coffee and get to know exactly how this scenario happen. What do you think?"
Humiwalay sa kanya ang kapatid. Ngumiti ito at tumango. Muling lumitaw ang biloy sa kaliwang pisngi nito. Napangiti na rin si Siegfried. Isang pagtitipon ang ipinunta niya sa Pilipinas pero di niya akalaing isang napakalaking sorpresa ang bubungad sa kanya. Natawa siya. "This is so weird"
"Yeah, tell me about it" Natawa na rin na sabi ni Athena.
Madami silang napag-usapan, halos buong araw silang nandun lang sa isang kainan sa paliparan. Nalaman nilang pareho sila ng kaarawan at magka-edad din. Kaya batid nilang kambal sila at isang taon pagkasilang ay naghiwalay ang kanilang mga magulang.
"Ano nga kayang nangyari?" tanong ni Athena
Napatango-tango si Siegfried "Tuwing tatanungin ko si Mom. Di siya sumasagot"
"Me, too. Dad, always avert the subject"
Sabay silang napabuntong-hininga at sumimsim ng kapeng iniinom. Pareho din nilang pinunasan ang gilid ng tasa at nagpalit ng pwesto ng upo. Nagkatinginan sila ng mapansin ang pagkakasabay ng kilos at sabay na natawa.
"Buong buhay ko, I never thought I have a twin brother" turan ni Athena na kumukislap ang mga mata sa saya, habang may ilang nagbabadyang luhang bumagsak mula roon
"Hey, I have a kid twin sister. A man doesn't always get surprises like that in his lifetime" sagot ni Siegfried. Kinuha ang panyo sa bulsa ng pantalon at pinunasan ang luha ni Athena na nagbabadyang pumatak. "Don't cry on me sis. This is a wonderful surprise. We should be celebrating"
"I'm just happy. Happy and sad, that is" hinawakan ni Athena ang kamay niyang nagpahid ng luha nito. "Ang daming nasayang na panahon, kung di ako tumigil ng pagtatanong kay Dad tungkol kay Mom...baka...baka matagal na tayong nagkita...Nakakapanghinayang"
Tumango si Siegfried. "Yes, but we're here now. Nagkita na tayo. We have all the time now to catch up on each other" Ngumiti siya rito upang pagaanin ang sitwasyon.
"Yes, you're right. So, do I have a sister-in-law that I should meet?" sabi ni Athena na nanunukso na ang tono.
"You're the same as mom" Napapailing na sabi pa ni Siegfried.
Nagtaas lang ng kilay si Athena at napahalukipkip. Naghihintay na ipagpatuloy niya ang sasabihin.
Natawa si Siegfried. "Exactly like mom. She asked me the same question almost every day and she moves like you too"
Natahimik si Athena. Ilang saglit pa ay marahang napapalo ang isang kamay nito sa mesa na nakapagpagulat kay Siegfried, "What?"
"That's it. I have to meet, mom." Tinuro nito si Siegfried, "You have to meet, Dad. Because just like what you observed on me, you also have the same expression with him...it's a bit unnerving, actually." Nagtaas ito ng kilay, "He teases me the same way too...not about mom, of course. But just the same"
"O-okay. Anong plano mo?"
Ngumiti si Athena na may halong kapilyahan. Napangiti rin siya. Pareho ang ekspresyon nila.
"They have to meet again" sabay pa nilang sabi.
Ilang saglit pa silang nag-usap at nalaman na parehong di na muling nag-asawa ang mga magulang nila. Nang araw din iyon ay nabuo ang plano nila para muling magkita ang mga magulang... pero mukhang mapapabilis iyon dahil nang makita pala ng kanilang ina si Athena sa video call ay mabilis itong kumuha ng tiket patungong Pilipinas. Sinabi ni Athena iyon sa ama at ganun din naman ang ginawa ng ama nila.
Kaya naman, ngayon sa MOA ay magkikita sila sa SMEX, sa isang pagtitipon. Nagugulat na nga sila sa pagkakataon dahil ang pagtitipon pala na dadaluhan nila bilang kinatawan ng kompanya ay ang muling pagtitipon ng AlDub Nation bilang pag-alaala ng pagkakaibigang nabuo dahil sa kanilang mga magulang.
Kulang ang salitang gulat para ipaliwanag nilang magkapatid ang nararamdaman. Mukhang pinaglalaruan sila ng tadhana dahil halos lahat ng pangyayari ay sanga-sanga na ang kahahantungan ay ang kanilang pagkikitang magkapatid anuman ang mangyari.
"This will work out, Sieg. It will" sabi ni Athena habang tumatawag sa telepono ng ama para malaman kung nasaan na ito at ganun na rin ang ginagawa ni Siegfried, tumatawag sa ina.
Pero sabay silang napatigil ng makita sa labas ng salamin ng kainan ang mga magulang nila. May gulat sa mga mata ngunit parehong naluluha ang mga ito. Ang ama nila ang unang humakbang habang tinakbo naman ng ina nila ang natitirang pagitan ng mga ito. Nagyakap ng mahigpit ang dalawa.
Kapwa naman napuno ng luha ang mga mata ng kambal. Napasandig sa balikat ni Siegfried si Athena at doon humikbi. Niyakap naman ni Siegfried ang kapatid.
_ _ _
A/N: Yes, this a bit related to Two of One drabble challenge. ^_^
BINABASA MO ANG
Moments
FanfictionIn the midst of his and her busy schedule, sometimes the simplest moment is what makes a treasured memory. [A Compilation of One-Shots]