1.20.17 AMACon4 - Day 19 : Tagalog FF - Sa Piling ni Nanay
Tsinelas
Hhmm...RJ? Nagising si Maine sa silid ni Richard. Amoy niya ang bango nito sa buong paligid. Nakahiga siya sa kama. Wala ang binata sa loob ng kwarto.
Bumangon siya at nilibot ang tingin. Maayos at malinis ang bawat parte ng kwarto. Nakatiklop ng maayos ang isang kumot at unan sa ibabaw ng malaking upuang kutson sa tabi ng kama. Doon natulog si Richard kagabi ng magpasya silang kinabukasan na umuwi ng ginabi sila sa paggawa ng teleserye malapit sa Laguna.
Tumayo siya. Naka-yapak na tumungo sa banyo at naglinis saglit. Nakapagpalit siya kagabi ng simpleng pambahay, buti na lang ay may baon siya sa sasakyan pero ang nakalimutan niya ay tsinelas.
Nang matapos mag-ayos ay lalabas na sana siya ng makita sa tabi, sa sulok ng kama ang isang tsinelas. Maliit iyon para sa paa ni Richard kaya sigurado siya na di ito ang may-ari niyon. At dahil di niya gusto ang nakayapak ay sinuot niya ang sapin sa paa. Malinis at malambot ito kahit gawa sa goma. Napangiti siya at nagpasyang ipapaalam na lang kay Richard na hihiramin muna niya iyon habang nasa bahay siya nito.
Lumabas siya ng kwarto at bumaba sa sala. Walang tao, kaya dumiretso siya sa kusina. Doon nakita niya si Lola Linda kasama ang ilang kasambahay na naghahanda ng agahan.
"Magandang umaga po"
"Ah, Meng! Nabanggit nga ni Tisoy na nandito ka" nakangiti siya nitong binati ng yakap at halik sa pisngi bago bumalik sa hinahalo nito sa kalan.
Ngumiti siya. "Lola, anong niluluto nyo?"
"Champorado, gusto mo?"
"Opo, siguradong masarap yan"
"Saglit na lang ito at maluluto na" sabi nito na tinapik-tapik pa ng isang kamay ang kanang pisngi niya.
"Okay, tulungan ko na po kayo"
"Huwag na. Ang mabuti pa tawagin mo na lang si Tisoy, malamang nasa hardin yun. Nakikipaglaro sa mga alaga niya"
"Sige po, hanapin ko na siya"
Tumango si Lola Linda at nang mapayuko ito sa paanan niya ay natigilan. Tinitigan nito ang mukha niya saglit bago ngumiti. "Ngayon ko lang uli nakita ang tsinelas na yan ah. Bagay sa iyo, Meng"
Tumawa siya. "Salamat po. Hiniram ko lang po ito kay Alden. Nakita ko sa kwarto niya, sinuot ko ng di pa nagpapaalam. Di naman po siguro siya magagalit, sa palagay nyo po?"
Umiling si Lola Linda. "Sigurado ako, matutuwa pa iyon. Siya na lang tanungin mo. Sige, puntahan mo na siya sa hardin" sabi nito habang tumatawa.
Humalik siya sa pisngi nito bago umalis ng kusina at hinanap si Richard sa hardin.
"Tisoy"
Napalingon si Richard ng marinig ang boses ni Maine na tinatawag siya. Kaagad siyang napangiti. Inaabangan niyang magising ang dalaga kanina pa. Kaya ng maisip niyang matatagalan pa ito ay nakipaglaro muna siya sa mga alagang aso at nailakad na rin ang mga ito kanina. Ngayon nga ay nagpapahinga na siya sa ginawang duyan sa ilalim ng dalawang puno ng niyog sa hardin nila.
"Ayan, gising ka na. Mas maganda na ang umaga ko" sabi niya at inabot ang kamay nito ng makalapit.
Napangiti si Maine ng maghawak ang kamay nila. Hinatak niya ito para maupo sa kandungan niya habang nasa duyan sila. Isang banayad na halik ang ginawad niya sa mga labi nito.
BINABASA MO ANG
Moments
FanfictionIn the midst of his and her busy schedule, sometimes the simplest moment is what makes a treasured memory. [A Compilation of One-Shots]