HAT-BABE?! Season 2

65.8K 499 226
                                    

Introduction

 

Magdiwang sa pagbabalik ni Buyoy!!! Wuhooo!!!

Pero bago ang lahat, magsasabi-sabi muna ako ha? Pagbigyan niyo na ako. Kumbaga, calm before the storm ang peg ko, hahahaha.

Maraming maraming MARAMING salamat po sa mga sumusubaybay sa Confused Trio and Friends. Kaisa ng mga kapwa ko Power Ninjas, hindi po namin lubos na inakalang mamahalin niyo po silang lahat...na pagtitiyagaan niyo pong basahin ang kabit-kabit na kwento… at sa kabila ng matagal na pag-update namin, patuloy niyo pa ring tinututukan ang mga buhay nina Charlie, Louie, Chan-Chan, Mason, Hiro, Van, Hayley, Aidan… madadagdagan pa ‘yan… pretty soon… mababasa niyo na rin si Kuya Marcus (sa mga nakaalam, shattap, hahahaha) at ang iba pang Pelaez Brothers, ehehe.

Hindi po kami magsasawang magpasalamat sa patuloy niyong pagsuporta sa Power Ninjas at sa aming mga akda. Mabuhay po kayong lahat!!! SOBRANG MAHAL PO NAMIN KAYO.Muah Muah.

So… bago ko tuluyang tanggalin ang busal ni Charlie… bibigyan ko kayo ng ilang trivia. Magpapa-quiz kasi kami sa meet-up… charot.

Alam niyo bang…

 

…short story LANG dapat ang HAT-BABE?! Isa siyang putok sa buho sanhi ng stressful life ko. Gusto ko lang talagang matawa. Kaya nung nagsimula siyang magsalita sa utak ko, pinagbigyan ko na kasi kulang nalang, tumulo ang laway ko sa kakatawa. Oo, kung kayo humahagalpak sa tawa nung binabasa niyo ang Season 1 niya… pare-parehas lang tayo. Akala ko sampung chapters lang siya. Hindi ko inaasahang lolobo sa fifty chapters ang kanyang katatawanan.

...cameo role LANG dapat si Louie Kwok sa HAT-BABE?! Seryoso, si Chan-Chan lang dapat ang best friend ni Tarlie. Ganito kasi ang nangyari noon, more than ten chapters na ang napo-post ko sa kwento ni Charlie nung nagkakilala at nagpasya kami ni Diwata na mag-meet. Tapos, nasabi niya sa’kin na nakaka-relate daw siya kay buyoy kaya sabi ko… “Uy, gusto mo mag-cameo role? Anong pangalan ang gusto mong gamitin?’ Who would have EVER thought na ang simpleng cameo role ay magiging isang full-blown story na mahal na mahal nating lahat? And yes, I’m referring to Miss Astig na 1M reads na!!! Wuhooo!! Ipanalangin nating mai-publish na siya sa lalong madaling panahon!

…naisipan ko ring gawin ang POV ni Chan-Chan. Pero sa sobrang ganda ng reception ng mga readers sa Miss Astig, naisip kong… mukhang mas maganda kung lalaki talaga ang magsulat ng POV ni Chan-Chan. ‘Yung lalaking timid, tahimik… mga ganun… para mas ma-express pa ang kanyang mga saloobin. Kaya nung nagkita kami ni Diwata at Mochang (aka Lolo Kozart)… nagbaka-sakali na rin akong tanungin si Mochang kung gusto lang naman niyang ampunin si Chan-Chan Flores. Nagulat at natuwa ako nung pumayag siya kasi sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ko isusulat ang POV ni Chan if ever. At nung nabasa ko ang mga naisulat na chapters ng A Man's Life… sobrang nasiyahan ako kasi ganun na ganun ang perception ko kay Chang! Ang galing noh? Kaya super thanks talaga kay Lolo Kozart!!! OPO… lalaki po siya. Walang alinlangan ‘yan, hahaha.

…HANGGANG NGAYON hindi pa rin kami makapaniwala sa kung anong meron si Mason at kulang na lang, ipagtulakan siya kay Louie. Seryoso. May reader na nagsabi sa’kin na sa totoo lang, nabo-boringan daw siya sa tahimik na lalaki. Pero nung nabasa niya ang POV ni Mase, kilig na kilig ang lola mo. Parang konting kibot lang niya, konting ngiti, konting ‘hello’ lalo na kapag patungkol kay Louie… kulang nalang magsabog tayo ng confetti. Sabi nga namin ng mga Power Ninjas, kung si Ray ang nagbitiw ng pick-up line, halos mapatay natin sa kakornihan… iniisip ko kung anong mararamdaman natin kung si Mase ang biglang nag-pick-up line kay Louie. Tingin niyo? HAHAHAHA. Hindi po pala ako ang gumawa ng MaLou Fans Club Page sa FB. Nagulat nga ako na may gumawa nun eh, hahaha.

sobrang humagalpak ako nung una naming pinag-usap si Charlie at Hiro. Tapos na ang maliligayang araw ni Bulol. May forever kontrabida na sa buhay niya, ahahaha. Charlie can’t please everybody raw, ayon kay Hiro, wuhahaha. Kung siya ba ang nakatadhana kay Tarlie... 'di ko po masasagot. Pakitignan na lang pong mabuti ang cover ng Season 2. Marami kasing pagpipilian, hahahaha.

…naaawa ako kay Hayley, Clarisse… at sa sinong babae na nali-link kay Mase. Wala pang ginagawa ‘yung tao, galit na kayo sa kanya. Wag ganun! Give chance to others daw. Charot. Pero bakit nga ba naghuhuromentado kayo sa bawat babaeng lumalapit kay Mase? Nasobrahan niyo yata ang pagiging biased niyo? Ahahaha.

…speaking of biases… naiirita ako kay Aidan, hahahaha! ‘Yun lang. Amboring niya kasi. Eto na naman ako. Paumanhin, Diwata, hahahaha. Apektado lang ako sa ginawa niya kay Louie. Diba? Diba? Pero pinapakinggan ko pa rin siya. ‘Yun nga lang, mas interesado akong basahin ang POV ni J, nyahahaha. On a serious note though… ayoko kay Aidan… kasi… MAKA-MALOU DIN AKO!!! HAHAHAH… pero… ayun na nga… at this point, wala pa rin kasiguraduhan ang lahat kaya patuloy ko pa ring inilalakad ang alaga ko kay Diwata.

…marami kaming plano para kay Van, Jan, Lyndon, Mitchie, Terence. Lalo na’t—ay, bawal spoiler, hahahaha! Pero mas malamang na mas madalas silang lumabas sa Season 2 ng HAT-BABE?!  at sa iba pang mga kwentong kakabit nito dahil alam niyo bang… SECRET! Hahaha. Abang-abang na lang tayo, hehe.

…marami pang lalabas na bagong tauhan. SERYOSO… minor or major role… marami sila. Kitang-kita naman sa cover ng Book 2 diba? Andami nila! Hahahaha. Sige, gumamit kayo ng magnifying glass para malinaw niyong makita kung sino-sino ang mga nasa cover ni Charlie. FYI… sadyang blurred ang background, WAHAHAHAHA! Surprise na mari-reveal ang mga ‘yan.

…magka-age sina Charlie, Cyann at Clementine. Sa mga hindi nakakaalam… sina Cyann at Clementine ang mga pangunahing tauhan sa aking SaiLem Series. Wala lang, nasabi ko lang. Dapat nga lalabas pa si Charlie sa SaiLem eh… kaso… nag-iba bigla ‘yung plano simula nang naging full blown collaboration na rin ang Confused Triology, hehehe.

…may nagtanong sa’kin kung sinong Pinoy artista ang gusto kong gumanap kay Charlie sakaling maging teleserye o movie ang hatbabe in the future? Ang sagot ko… pinakamalapit na si Sharlene San Pedro ng Goin’ Bulilit. HAHAHAHAHA. Pero parang mas gusto ko pa rin kung si Amber Liu na lang, lels.

…part of Charlie is derived from me. Dahil lahat tayo, may tinatagong Charlie sa katauhan natin, hahahaha. ‘Yung katatawanan, kainosentehan, kaingayan, katakawan o kaya ‘yung pagiging boyish. Lahat tayo, nasaniban/sinasaniban/sasaniban ni Charlie from time to time. Bakit? Kasi sinasalamin ni Charlie ang masayang kabataan kaya matagal siyang na-stuck sa stage na ‘yan, hahaha.

O siya, hanggang dito na lang. Andami ko na namang sinabi.

Balak ko sanang i-post ang unang kabanata sa bardei ni Buyoy. Pero we'll see. 

Handa na ba kayo sa pagbabalik ni Charlotte “Charlie” Pelaez? Huehuehue.

  

-Ate Hunny

HATBABE?! Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon