**************************************************************
The story begins at night in the glittering city of Manila... Wow! Kumikinang ang chandelier, para akong nasa isang pelikula.
"Mukhang sunod-sunod ang swerte mo Sanders, malaking event ang kino-cover mo sa first assignment mo." sabi ni Holden, ang editor-in-chief ko.
"Oo nga po eh!" I reply sabay hawak sa necklace ko na may heart na pendant. Ito ang pampa-swerte ko.
Hi there! I'm Charmaine Sanders by the way; most people who know me call me "Charm". After years of pagpupursige, nakuha ko na rin ang dream job ko in "La Clara", the hottest fashion magazine in the country that sells over 10,000 copies of their issues every month.
I'm a part of the magazine's editorial department at ngayong gabi, I'm very happy to cover such a major gala bilang first assignment ko. Opening ngayon ng "Lopez Hotel and Casino Makati", the newest legal casino in the country. Maraming mga sikat na tao ang dadalo ngayong gabi, I'm sure of that.
Anyways, I continue to converse with my Editor-in-chief.
"Ang mabuti pa, mag-cover na lang tayo ng mga celebrities Sanders." says Holden.
"Mabuti pa nga siguro sir, total naman malakas ang fashion statement ng mga artista." ang sagot ko.
"All right, time to get in there and get covering, new girl!" sabi ni Holden.
"Ano?!?" I reply in a shocked manner.
I don't think na I'm supposed to go interview people ALONE! It's my first time kaya dapat akong i-assist ni sir Holden! Tama, 'yon ang sasabihin ko sa kanya. Lilingon na sana ako para kausapin si sir Holden kaso bigla n'ya akong tinulak sa mga grupo ng reporters!
THUD!
Hindi ako makapaniwala na sa loob lang ng fifteen seconds eh nandito na ako sa gitna ng dagat ng mga reporters! Mga taga ibang magazines ang mga taong ito. Nakipag-siksikan ako sa kanila. Oww... Maraming mga bigatin na nandito, pakiramdam ko madudurog na ako! Parang magkaka-stampede na at any moment.
The reporter beside me was stepping on my stiletto. Halata naman siguro sa pananalita ko na feeling sosyal ako 'diba? Balak ko na sanang tirikan ng mata ko ang reporter, kaso nabaling ang attensyon ko sa tanong n'ya.
"Mr. Philipps, who are you bringing with you to this party?" sabi n'ya.
Marunong pala mag-english si ate? Bonggabells! Anyways, ini-interview n'ya ang isang gwapong gwapong lalaki sa harapan. I swear he looks like the Men in Black sa suot n'ya. But still he's so dreamy... At iniwan na lang n'ya bigla ang reporter na hindi man lang sinasagot ang tanong nito. Kawawa naman si ate. Choss.
"Ack! Eh...? Eek!"
Bigla na lang akong nadala sa pinakaharapan. Ba't ba kase ako pinagtutulak ng mga sheteng reporters na 'yon? Just then I hear voice in front me. Boses ng lalakeng arrogante at bossy.
"Who are you?" sabi ng guy.
Wait, I think I know him... Siya si Owen Lopez, ang sikat na aktor! Kyaaa! I can't believe kaharap ko siya! His eyes are staring right into mine.
"Are you a reporter?" tanong ni Owen sa'ken.
"Ugh, oo. I-I'm Charm Sanders, f-from La Clara." Pabulol kong sagot.
"... Ah, I see. That explains the stutter. Well, what's your question?"
Err... I have no idea what to say next. Nagno-nose bleed ako sa English n'ya. Calm down Charm, just keep your cool and interview him, okay! Siguro, hindi ka naman n'ya pepectusan sa mata kung mali ang masabi mo 'diba?

BINABASA MO ANG
15 Shades of Grey
RomantizmTinamaan na nga ng swerte si Charmaine "Charm" Sanders. Natanggap na siya sa dream job niya! She's finally working as an editor in the prestigious La Clara magazine. Noong gabing nagco-cover siya sa star-studded opening party ng isang casino...