Chapter 16

9.5K 134 3
                                    

**************************************************************

Mabuti na lang siguro at hindi na Café Cosa Nostra ang pinasukan naming restaurant, ayoko na talaga kaseng maulet pa ang nangyari last time... Na trauma na ata ako sa mga French restaurant.

Grey decided to bring us to an authentic Korean restaurant. Uyy! First time kong makakatikim ng Korean delicacies!

"Wow, dito mo talaga naisipang dalhin kami ah." Sabi ko sa kanya as we enter the place.

"Hehe, well I think na it's about time para tumikim ka ng pagkain from my dad and mom's native place." Sagot niya.

"Eh sa England naman pinanganak ang papa mo ah..." sabi ko.

"Yeah, but he's Korean by blood. And besides, gusto kong ipatikim sa'yo ang favourite naming kainin ng mama ko." Sabi niya.

Whew, kinurot ang heart ko sa sinabi niya. Gusto niyang matikman ko ang favourite food nila ng mama niya? Kyaaah, kinikilig ako.

"Bakit mo naman naisipang ipatikim sa'ken ang dish?" I ask.

"Well, I figured out sa mga kuwento mo na puro pagkain ang laman ng utak mo so I thought might as well let you try some." He explains.

I see. Now I understand na.

"Ahaha, tingnan natin kung magustuhan ko 'yang food na sinasabi mo." I say teasingly.

Sinalubong kame ng hostess na chinita.

"Good evening, ma'ams, sirs, table for how many po?" she politely asks.

"For six po." Sagot naman ni Grey in a formal manner.

"Okay, right this way." The hostess replies kay Grey.

Pagkatapos nun eh sinundan namin ang hostess sa isang upuan sa sulok ng restaurant. Mukhang sa sahig kami uupo. Naupo na si Grey. Bakit naman ang baba ng mga mesa, at wala pang upuan ha!

"Upo na po tayo?" Grey invites us.

"Uhh, sige... S-Sa sahig talaga?" tanong ko.

"Oo, why?" Grey asks.

"May mesa sila tas wala silang upuan?" I comment.

Sumabat si Yhanie.

"Duh, ate? Authentic Korean restaurant nga diba? Kase nga naka-upo lang sa sahig ang mga Korean! Ikaw talaga..." paliwanag niya.

"Oww, now I get it." Sagot ko as I internalize the thoughts.

Err... Ang boplaks ko talaga, ba't kaya hindi ko kaagad naisip 'yon noh?

Oh well, I grab a seat next to Grey and AJ. Nakaupo sa pagitan nilang dalawa while si mama naman ang kaharap ko sa opposite side.

Dumating ang waitress sa amin at nag-abot ng menu.

"What are your orders ma'am, sir?" she asks sabay tingin sa'min.

"Umm, Grey I think you should order for us... Total naman this is your forte, we trust you na." I say.

"Oo nga Grey, mas mabuti pa nga iyon. Baka kase magkamali pa kame ng pagkakabigkas ng order." Sabi ni mama.

Natatae ako sa sinabi ni mama.

Ouch ha! Parang pinariringgan ako! Pero, hindi naman alam ni mama eh kase hindi ko naman siya sinabihan ng tungkol sa nangyaring iyon.

"Umm, okay kung 'yanpo ang gusto niyo. We'll take na lang six orders of the following..." Grey trails off.

Nagsimula na siyang mag-pronounce ng mga Korean words. Siguro iysn yung mga pagkain na ino-order niya. Ang galing talaga niya, first dun sa Café Cosa Nostra siya nag-pronounce ng French tas ngayon naman Korean. Certified linguist nga siya. Major turn on!!!

15 Shades of GreyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon