**************************************************************
7:37 PM na ng gabi pero hindi parin bumabalik si Grey ng hotel. Nasaan na kaya siya? Humingi na ako ng tulong kay Janus sa paghahanap kay Grey.
"My men searched for him all over Seoul, kaso hindi nila siya nakita." Sabi sa'ken ni Janus habang kumakain kami ng hapunan.
"Ganun ba? Nasan na kaya siya?" sagot ko.
"Have you asked Andy kung pumunta siya sa bahay ng mama niya?" tanong naman ni Dave.
"Oo, kaso sabi ni Andy hindi raw pumunta si Grey doon." Sagot ko naman.
"Well then where the hell is he?" sabi ni Owen.
I'm really worried. I know na parang exaggerated 'tong pag-aalala ko para kay Grey kaso I can't help it eh. It's like may something sa loob ko na hindi mapakali ngayon dahil sa kinakaharap na emotional stress ni Grey. Kung tutuusin pa nga eh parang mas OA yung nararamdaman ko kesa kay Grey.
"Charm? Ba't hindi ka nagsasalita? Is there a problem?" Rhena snaps me back to reality.
"Huh? Umm, wala naman... Nag-aalala lang talaga ako para kay Grey..." sagot ko.
"Bakit ganyan na lang ang pag-aalala mo kay Grey? Wait... Don't tell me na you must've fallen for him already, huh?" pang-iintriga ni Rhena.
"Huh? Ako? Hindi no—"I stop...
Hindi nga ba? Wait... Bakit ako napaisip? 'Diba hindi naman talaga? Crush ko lang si Grey, yun lang! Kung sosobra pa dun, masasaktan ako-lalo pa't next week na mage-expire yung contract namin sa interview which means na hindi na kame magkikita pa ulet...
Kumurot ang heart ko... Am I hurt? Bakit ako nasasaktan? O,O
"Hoy! Ba't dika makasagot? OHEMGEE... AM I right?" sabi sa'ken ni Rhena.
Napatingin ako sa kanya. I think tama siya...
All those times with him... Kami lang dalawa ni Grey: In his car, in his hotel suite (walang malisha), sa snowboard—err, ice skating rink pala, sa apartment ko (specifically my room) at higit sa lahat... Dun sa roadside na hill sa Antipolo na may magandang view tuwing gabi. Naging secret and special place na namin ni Grey. Doon mas lumalalim ang relationship namin.
Come to think of it, these past few weeks with Grey has been one of the happiest days of my life. Hindi everyday nangyayari sa buhay ng isang tao ang makakilala ng isang celebrity at pagkatapos eh madidiskubrehan mo yung mga tinatago niyang lihim sa life niya.
Wait-ang dami ko nang iniisip! Nababaliw nab a ako? Kani-kanina lang busy ako sa pagaalala kung nasaan na si Grey tapos ngayon isang sabi lang ni Rhena na in love ako kay Grey nagre-reminisce na ako! Nooo...
I must be in love kung ganun. Wait, I'm in love? Tanungin ko kaya ang puso—walang sagot—silence means YES! Waaah! In love nga siguro ako!
"Whoa... No response means yes. I'm right! You ARE in LOVE with Grey!" napasigaw si Rhena.
Napalingon ang mga boys sa sinabi ni Rhena.
AWKWARD... Shit, nakatitig silang tatlo sa'ken.
"What? Who's in love with Grey?" tanong ni Owen.
"Si Charmaine, obviously!" sabi naman ni Rhena.
"How did you know?' tanong ni Janus.
"Well duh!? I'm a girl, I can't tell whether or not someone like me likes a guy! At in love nga si Charmaine kay Grey!" paliwanag ni Rhena.
"..." hindi ako makasagot. I feel my face flush red.
"Namumula ka na parang kamatis bubuwit. Mukhang tama nga yata si RHena ahh." Sabi ni Owen.
BINABASA MO ANG
15 Shades of Grey
RomanceTinamaan na nga ng swerte si Charmaine "Charm" Sanders. Natanggap na siya sa dream job niya! She's finally working as an editor in the prestigious La Clara magazine. Noong gabing nagco-cover siya sa star-studded opening party ng isang casino...