**************************************************************
"This is the only way para malinis ang pangalan ko without having to do what Mia wants." sabi ni Grey.
"Umm, ano iyon?" sagot ko.
Ano kaya itong naisip ni Grey na plano? I wonder.
"Kaninang umaga ko pa 'to napag-isipan." Dagdag pa niya.
Teka, kaya ba kaninang ayaw magpa-istorbo ni Grey simula kaninang umaga eh dahil sa nag-iisip siya ng magandang paraan para mapatunayan na hindi totoo ang mga pinagsasabi ni Mia? Wow, nagawa niyang makapag-isip ng isang magandang plano sa loob lang ng isang araw.
"Ano nga 'yong plano mo?" tanong ko ulet sa kanya.
"Well, it's about what to do to counteract that article and her statements. Sigurado ako na with you, me and lahat ng nakakita kagabi sa pangyayari, may makukuha tayo na something." Sabi ni Grey.
"Wow, hindi ko naisip 'yan ah!" sabi ko.
Ang galing naman! Mukhang maganda itong naisip na plano ni Grey. Mukhang hindi talaga pinapayagan ni Grey na masira ang reputasyon niya.
"Oh sige! Gawin natin ito!" sagot ko naman sabay AJA sign for encouragement.
"Positive thinker ka rin talaga no?" sabi ni Grey.
"Aba! Dapat lang na maging positive thinker tayo sa ganitong mga pagkakataon!" sagot ko.
"Kaya nga siguro nahawa mo na ako eh... Being optimistic is one of your traits that makes me jealous." Sabi ni Grey.
"T-Talaga? Hehe, ganito lang naman talaga ako mag-isip noon pa eh." Sagot ko.
After that, agad naming tinawagan ang lahat ng mga staff at crew na pumunta sa shoot kagabi (excluding sa paniking si Willie, duh?!?).
...
...
...
...
...Ilang oras na rin ang lumipas, kaso wala kaming ma-contact ni isa sa kanila, yung iba naman ayaw tumulong kase natatakot na madamay sa gulo.
LECHE! Mga walang konsensyang mga frogs! Hindi ba nila naiisip na career ni Grey ang nakasalalay dito?!?
"Tsk... This isn't working, Charmaine." Sabi ni Grey.
"Kanina pa natin sila kino-contact..." sabi ni Grey.
Binitawan niya ang telephone sabay upo sa sofa. I look at him, bakat na bakat sa mukha niya ang pagod at desperation...
"Huwag kang mag-alala Grey. I'm sure na may maiisip tayong paraan para maging okay na ang lahat." Pang-e-ebcourage ko sa kanya.
"Paano mo ba nasasabi 'yan? Kita mo na ngang walang tumutulong sa'tin eh! Bakit ba kase gumagawa pa ng kuwento ang mga media na 'yan!" sabi ni Grey in a frustrated manner.
Oo nga, bakit ba kailangan pa nilang gumawa... Gumawa, GUMAWA! napasigaw ako.
"Tama Grey! Tama ka! GUMAWA, GUMAWA, GUMAWA! Iyan na nga ang solusyon sa problema natin-err, problema mo..." bulyaw ko.
"Huh? Anong ibig mong sabihin?" pagtataka ni Grey na napalitan ang kunot ng mukha ng pagtataka.
"Madali lang! Kung magsusulat ako ng isang article na naglalaman ng totoong nangyari kagabi sa studio, may pang-counteract ka kay Mia!" sabi ko.
"Sigurado ka? I don't think na paniniwalaan nila ang article na isusulat mo." Sabi ni Grey.
"Oo nga, alam ko 'yun... Unless magpa-interview ka rin on TV kasama si sir Holden at ang photographer friend ni sir!" sabi ko.

BINABASA MO ANG
15 Shades of Grey
RomanceTinamaan na nga ng swerte si Charmaine "Charm" Sanders. Natanggap na siya sa dream job niya! She's finally working as an editor in the prestigious La Clara magazine. Noong gabing nagco-cover siya sa star-studded opening party ng isang casino...