Chapter 28

6.4K 100 14
                                        

**************************************************************

Heto ako nakaupo sa isang bench sa park dito sa Seoul. Hatinggabi kaya walang tao sa paligid. Napatingin ako kay Grey, seryoso ang mga mata niya—nakatitig siya sa'ken in the manner that he used to do. Yung nakaka-intimidate na tingin.

"Well, aren't you gonna start talking?" sabi niya.

"Umm, okay." Sabi ko.

Wait—what if hindi ma-take in ni Grey ang katotohanan? What if masaktan ko siya? What if nage-exaggerate lang ako?

"Grey, natatakot akong saktan ka..." sabi ko.

"C'mon, I think I can handle it—what about my mom?" sabi niya.

"!!!" wala akong masabi.

Well, obviously wala nga-unless sinabi ko talagang "exclamatory point times three" 'diba? Pero tama si Grey... Maybe I should just tell him the truth.

"Charmaine tell me, what about my mom!?" tanong niya in a pasigaw na voice.

Whoa! Nakakatakot si Grey, he's dead serious na...

"Kase... Y-Yung totoo, pumunta tayo d-dito sa Seoul para-"kinakabahan ako, baka magalit si Grey sa'kin.

"Para ano?!?" tanong niya.

"Para-para hanapin ang mama mo." Sabi ko.

"What?!?" pagkagulat niya sa sinabi ko.

"Naisip ko kase na baka mas ganahan ka sa upcoming race mo kung nahanap mo na ang mama mo." Katuwiran ko.

"...Kaya naisip ko na humingi ng tulong kena Janus, Owen, Dave at Rhena para surpresahin ka-kaso, hanggang ngayon hindi pa namin nahahanap ang mama mo." Dagdag ko pa.

"Is that the truth?" tanong ni Grey.

"O-Oo, Grey..." sagot ko.

Kinakabahan ako. Ito na yun, it's either magagalit si Grey sa pagsisinungaling ko—or hindi... Napapikit ako, waiting for Grey's reaction...

...
...

"You think she's still alive?" biglang sabi ni Grey.

Napadilat ako. Tiningnan ko si Grey, I was expecting ng mas harsh na reaction.

"H-Hindi ka galit?" tanong ko.

"Of course I'm mad, but not too much. Saka isa pa inamin mo naman ang totoo eh." Sabi niya.

Wow... That was unexpected.

"At least now I can assist in the search for mom." Dagdag pa ni Grey.

"Whoa! T-Talaga?"

"Yes. So, where do we start?" sagot ni Grey.

Grabe, I never expected na ito ang magiging kalalabasan ng lahat-mabubuking ni Grey ang totoo, pero sa halip na magalit (as what I was expecting) eh gusto pa niyang tumulong sa paghahanap sa mama niya.

"Well Grey, bago ang lahat, gusto ko lang malaman mo'to." Sabi ko.

I tell Grey everything. I told him about 0015, at kung ilang addresses na yung mali, lahat sinabi ko sa kanya including yung tungkol kay Andy.

"At yun nga..." I finish off.

"Wait, so sinundan niyo kanina ni Rhena si Andy and you found him at a house with a 0015 address?" pagre-reassure ni Grey.

"Oo." Sabi ko as I finish up my Mocha Frap.

"So you guys are going there tomorrow?" tanong niya.

"Oo. Hindi mo naman kailangang sumama bukas, sisiguraduhin muna namin kung yun na nga ba ang tamang address-" Grey cuts me off.

15 Shades of GreyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon