Chapter 29

7.6K 102 16
                                    

**************************************************************

"Y-You-You're my mom?" sabi ni Grey.

Nanginginig ang boses niya. Lumingon ako kena Janus, lahat sila nanginginig din sa gulat. Shocking ang revelation na ito.

"Yes, I am your mother." Sagot ng babae.

Kinausap ng mama ni Grey ang nurse in Korean at binuksan ng nurse ang gate upang makapasok kame. Pagkabukas pa lang ng gate eh agad nang tumakbo si Grey palapit sa mama niya at niyakap niya ito ng mahigpit.

"Ma..." sambit ni Grey.

Tumutulo na ang mga luha sa mga mata ng mag-ina. Unang beses kong makita na umiyak si Grey... Para siyang maliit na batang naagawan ng candy kung umiyak-he looks hopeless. I can feel the happiness na nararamdaman niya niya ngayon na nakita na niya ang mama niya.

Sana makatulong ito sa pag-boost ng confidence niya para sa race... Masaya ako para sa kanya. Hindi ko na napigilan pang maluha sa madramang eksena.

Pati sina Janus at Rhena naluha din—at si Owen—si Owen na ugaling balasubas eh naluha din! I look at Andy na nakatayo parin sa may gate. Namumula ang mga mata niya—he looks like crying, pero pinipigilan niya. I look back at Grey na tumayo mula sa pagkakaluhod sa mama niya at lumingon kay Andy.

"How long have you been hiding this?" tanong niya.

"...T-Ten years..." sagot ni Andy sabay yuko.

Lumapit si Grey at kinuwelyuhan si Andy—akma niyang susuntukin si Andy pero inawat siya nina Janus at Owen.

"Ba't mo tinago sa'ken ang mama ko!" sigaw ni Grey.

"... Dahil 'yon ang gusto ni dad." Sagot ni Andy.

"What? Si dad ang nagtago sa kanya? So ibig sabihin... All these years he's been hiding mom away from me?" realization ni Grey.

"Oo. That's the reason why he makes sure that you won't be able to come here in Korea. Natatakot siyang malaman mong nagsinungaling siya when he said na nag-ex communicate na sila ng mom mo..." paliwanag ni Andy.

"At ikaw? Ba't mo alam ang tungkol dito?" sabat ni Owen.

"Dad ordered me to personally take care of Grey's mom. Gusto niyang makasiguro na hindi kayo magkikita-kaya I pretended to be a UN volunteer at nagkunwaring lagi akong umaalis ng London pero I always go here." Rebelasyon pa ni Andy.

"What are you talking about?" biglang nagtanong ang mama ni Grey.

Lumingon kame.

"Hindi niya naiintindihan ang Tagalog-at hindi niya rin alam na anak ako ni dad at magkapatid tayo. Ang alam lang niya, anak ako ng dati niyang ka-trabaho at ako na ang nag-alaga sa kanya." Sabi ni Andy.

"Ano pa ba ang mga nililihim niyo ni dad sa'ken?" tanong ni Grey.

"'Yun lang ang alam ko Grey, maniwala ka." Sabi ni Andy.

"Bakit mo nagawang itago sa'ken ang mama ko? Anong karapatan mo?" kastigo ni Grey.

"Gusto lang kitang protektahan dahil kapatid kita-at ayokong masaktan ka!" katuwiran ni Andy.

"Masaktan ako? Since when did you started caring for me and my feelings, Andy?" tanong ni Grey.

"Since forever, Grey! Alam kong sira ang buhay mo, kaya nga ayokong sirain pa ito sa pamamagitan ng pagsampal sa'yo ng katotohanan!" sagot ni Andy.

"Why are you shouting? What are you saying? I cannot understand." Sabat n mama ni Grey.

Lumingon si Grey sa mama niya.

15 Shades of GreyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon