Chapter 21

7.3K 96 44
                                    

**************************************************************

Five minutes later, I find myself walking in the tube papasok ng airplane. Nasa harapan ko sina Grey at Owen samantalang nasa unahan naman sina Rhena, Dave at si Janus.

Pinagpapawisan na ako dahil sa kapal ng mga suot ko, mukhang tama nga si Owen na dapat doon na ako sa Korea nagsuot nito—NO! Tinatamad na akong magbihis.

Napatingin ako sa kay Grey na kausap parin si Owen habang naglalakad. I remember what Janus said kanina.

Bakit sinabi ni Grey na si Janus ang nagpadala ng limo at ng mga butlers? Why did he have to lie? And to think na pinagtatakot niya akong late na daw ako sa flight.

Sometimes talaga, Grey can be weird. Well, he is a complicated person after all. I should know that by now, sa ilang linggo na rin naming magkakilala at magkasama. Natigilan ako-I almost forgot, isang linggo na nga lang ang natitira before Grey's big race!

Malapit na ring matapos ang contract ko sa kanya na exclusive interview until his next race. Why did I suddenly feel so sad? I should be happy kase sa wakas hindi na ako mase-stress sa work! At maipa-publish na agad ang new issue ng La Clara.

"Hoy."

"..."

"Hoy!"

"Huh?!? Eh? Grey?!?" bumalik ako sa sarili ko at napatingin kay Grey na lumingon sa'ken.

"You look like you're thinking of something. Hindi ako sanay na nag-iisip ka." Sabi niya.

"Whoa! Aba, ang kapal mo rin ah! Ganun na ba talaga ako ka-bobo sa tingin mo?" painis kong sagot.

"Well, no... But you're on your way there!" Sabi niya sabay ngiti.

Well, dapat mainsulto ako sa sinabi niya—but no. Nasanay na akong ina-alaska niya ako. After all, it's better than him being suplado like he used to. Yung mga times na masyadong matipid lang ang sagot niya. I smile. Napatingin ako kay Grey na nakangiti habang nakatitig sa'ken and it made my face red hot. Kahit na hindi ito ang unang beses ng pag-ngiti niya sa'ken, I have to admit na hindi pa rin ako sanay na nakangiti siya.

"Good evening ma'am, sir. Welcome aboard." Bati ng Flight Attendant sa'min ni Grey as we enter the airplane.

"Good evening." Sagot ni Grey.

"Whoa! Ang tangkad mo!" sabi ko sa FA.

Grabe! Ang tangkad niyang babae, halos ka-height niya si Grey! Feeling ko tuloy pandak ako.

"Are you insecured?" pang-aasar ni Owen na nadinig pala ang usapan namin ng FA.

"Huh?!? Uh, h-hindi noh!

"Yeah, right! Maupo ka na nga!" sagot naman ni Owen.

After that, hinanap ko na ang seat ko. 15C, nasa window seat ako... PERFECT! I've always wanted the window seat.

I looked for my seat, lumagpas na ako kena Dave and Rhena na magkatabi at kay Janus na nagso-solo lang.

"Oww! Ito na yun!" I exclaim ng makita ko na ang seat ko.

Ang sosyal naman ng mga upuan sa eroplanong ito, hindi magkatabi, magkaharap! At meron pang mga table at mga lalagyan ng stuff. Halatang first class nga.

I placed my bags sa compartment at naupo na.

"Dito ka pala?" a voice behind me asks.

Napalingon ako to see Grey.

"Umm, oo. Bakit?" sagot ko.

"Dito rin kase ako." He replies.

"T-Talaga?!?" nagulat ako.

15 Shades of GreyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon