**************************************************************
Okay, nandito ako ngayon nakatayo sa VIP Lounge kasama sina Rhena, Dave, Owen, Janus, Grey at ang half-brother niya—ang stalker na nakita ko. Nanlaki ang mga cutesy eyes ko. Napanganga talaga ako—as in literally and figuratively. Bigla akong kinabahan ulet. Bumalik yung feeling ko ng mapadaan ang taong ito sa elevator.
"Charmaine? Is there a problem?" tanong ni Grey.
"Umm... W-wala..." pabulol kong sagot.
"Bro this is Charmaine Sanders, the La Clara journalist." Sabi ni Grey sa kapatid niya.
"Hi Charmaine, I'm Andrew Philipps, but you can call me Andy." Sabi niya.
Andy. Yun pala ang pangalan niya. Andy pala ang pangalan ng taong feeling ko eh may balak na maitim kay Grey. And to think na kapatid pa pala niya ito!
"H-H-Hi, umm... uh, And-And-dy." Nabubulol ako.
Hindi ako makapaniwala sa nangyayari.
"Are you alright?" tanong ni Andy.
"Umm, y-y-yes." Sagot ko.
Biglang sumabat si Dave.
"Andy was from Africa. Tumutulong siya sa mga indigenous groups doon. He's a volunteer sa UN campaign against hunger." Sabi ni Dave.
"Hindi nga ako makapaniwala na mas mabait pala ang kapatid ni Grey kesa sa kanya." Pabiro pang dagdag ni Dave.
"Whatever." Sabi ni Grey.
"So, shall we have dinner? It's already 8:00PM" sabi ni Janus.
"Okay, dito ka na rin kumain Andy." Sdagdag ni Janus.
"Will that be okay Grey?" tanong ni Andy.
"Sure." Matipid na sagot ni Grey.
Napatingin ako kay Grey as I take a seat. Wait. Ba't parang matamlay na naman si Grey? PArang jolly pa siya kanina ng ipakilala niya ang stalker—err, kapatid niyang si Andy. Parang bumalik yung dating aura niya when we first met.
"Let's order." Sabi ni Owen.
Lumapit sa'min ang waiter to take our orders. Wow, I didn't know na pwede palang kumain dito sa VIP Lounge—then again, hindi nga naman ako sanay sa mga ganitong lugar.
"What do you want babe?" tanong ni Dave kay Rhena.
"Don't talk to me! At huwag mo akong tawaging babe kung ayaw mong prituhin kita." Sabi ni Rhena sabay lipat ng chair at tumabi sa'ken.
"What did I do?" tanong ni Dave.
Hindi na kumibo si Rhena at tumingin sa'kin.
"Hoy, Charmaine may problema ba?" tanong niya as she snaps me back into reality.
"Huh? Umm... Kase—"sabi ko sabay pigil sa bibig ko.
"Ano?" tanong ni Rhena.
Well, mas mabuti na iyong alam niya ang nalalaman ko. Ibinulong ko sa kanya ang nalalaman ko.
"Si Andy ang nakita kong nagmamatyag kay Grey since yesterday." Bulong ko.
"WHAT!?!" napasigaw si Rhena.
Nagsipaglingon sila.
"What's wrong?" tanong ni Owen.
"Huh? Umm—"wala kaming maisagot ni Rhena.
Napatingin ako kay Andy—he is looking at me. Parang may hidden agenda sa likod ng mga mata niya. Tumayo ang mga balahibo sa katawan ko.
VRRR...
![](https://img.wattpad.com/cover/9968828-288-k551146.jpg)
BINABASA MO ANG
15 Shades of Grey
RomanceTinamaan na nga ng swerte si Charmaine "Charm" Sanders. Natanggap na siya sa dream job niya! She's finally working as an editor in the prestigious La Clara magazine. Noong gabing nagco-cover siya sa star-studded opening party ng isang casino...