**************************************************************
"Kung ganun let's get back to the hotel." Sabi ni Grey showing no sign of fear.
"I'll go get the car." Sabi ni Andy sabay punta sa garage.
Feeling ko matatae ako sa takot. Alam na ng papa ni Grey na nandito siya sa Seoul imbes na manatili sa Manila at maghanda para sa race niya next week. Gusto kong pigilan si Grey na bumalik sa hotel. Gusto kong pumunta na lang siya ng airport at lumipad tungo sa ibang lugar kung saan magiging masaya siya! Natatakot akong baka masaktan siya kung sakaling pagalitan at awayin siya ng papa niya.
"Grey, huwag na lang kaya tayong bumalik sa hotel." Pamimigil ko kay Grey.
"Why not? Nandun si dad, I have to talk to him. I want to tell him na I know his secret about my mom." Sagot ni Grey.
"Pero natatakot ako." Sabi ko.
"Why? Ba't ka natatakot? Hindi naman ikaw ang kakausap kay dad." tanong niya.
"Alam ko, pero natatakot ako para sa'yo—hindi para sa sarili ko." Katuwiran ko.
"..." tumahimik si Grey.
"Masaya ka na ngayon. Nagbago ka na, mas nagsasalita ka na kumpara dati. Marunong ka nang tumawa ngayon, nakita mo na ang mama mo sa wakas. Okay ka na kaya nga-"natigilan ako.
"Kaya nga ano?" tanong ni Grey.
"Kaya nga... Natatakot akong baka dahil sa confrontation niyo ng papa mo eh baka bumalik ang lahat sa dati. Baka mawala na naman ang ngiti sa mga mukha mo... " sabi ko.
For a moment eh hindi nagsalita si Grey, nakatitig lang siya sa'ken. His face looks serious at diretsong nakatitig ang mga mata niya sa mga mata ko.
Okay... Bakit siya nakatitig sa'ken ng ganyan?
Ang hazel eyes niya. Ang mga light sensitive eyes niya... I can feel my face turn red. May kakaibang something na namumuo sa dibdib ko.
Bigla akong hinawakan ni Grey sa magkabilang braso ko. He fixed his gaze upon me.
"Charmaine, makinig ka." Sabi niya.
"A-Ano 'yun?" sabi ko.
"Kahit kelan, hindi na ako babalik pa sa dating ako. Hindi na mawawala ang mga ngiti sa mukha ko at pati na sa mga mata ko. Alam mo kung bakit? Kase nandyan ka." Sabi niya.
"A-A-Ako?" pagtataka ko.
"Oo, ikaw. Ikaw ang nagdala ng pagbabago sa buhay ko. I was able to change because of you and I thank you for that. At hanggang nasa tabi kita, hinding-hindi ako mawawalan ng dahilan para ngumiti kase you're the reason behind my every smile." Sabi niya.
Kyaaah!!! Gusto kong magtatatakbo ng nakahubad sa sobrang kilig! EMEGED!
"G-Ganun ba?" pa-virgin kong sabi, pinipilit kong itago ang bagyo ng kaligayahan sa kalooban ko.
"Now, you have no reason to be afraid of..." sabi ni Grey.
"..." hindi ako umimik. Busy akong kinikilig.
Nagtitigan lang muna kami ni Grey, nasa mga braso ko parin ang mga kamay niya at magkatagpo parin ang mga mata namin. Suddenly, dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko. EMEGED! Ito na yun! Kiss na talaga 'to! My gosh, my gosh! Gusto kong maihi sa kilig pero later na, hahalikan ko muna si Grey!
Palapit ng palapit ang mga mukha naming dalawa ni Grey, nararamdaman ko ang mabangong hininga niya. My gosh, I remember yung mga ganitong moments namin sa hotel suite niya sa Manila. Wait—wala akong oras sa pagre-reminisce, busy ako-first kiss ko ngayon.

BINABASA MO ANG
15 Shades of Grey
RomanceTinamaan na nga ng swerte si Charmaine "Charm" Sanders. Natanggap na siya sa dream job niya! She's finally working as an editor in the prestigious La Clara magazine. Noong gabing nagco-cover siya sa star-studded opening party ng isang casino...