Chapter 02

17.5K 227 26
                                        

**************************************************************

Maaga akong pumasok sa office ngayong araw. Besides the fact na nabibwisit ako sa ingay ng lalaking may rock band na kapwa ko tenant, naisipan ko rin na maaga pumasok para paghandaan ang exclusive interview for Grey.

Wala akong ibang inatupag kagabi kundi ang i-research ang lahat ng alam ng media tungkol sa kanya. Sobrang kabisado ko ang ni-research to the point na kayak o na sigurong gumawa ng power point presentation, novel at movie tungkol sa kanya.

Ilan sa mga nalaman ko tungkol sa kanya ay ang sumusunod: Bata pa lang siya, hilig na niya ang pagmamaneho. Ang papa ni Grey ay may-ari ng isa sa mga pinaka-successful na pagawaan ng sasakyan sa mundo. Walang dugong pinoy si Grey. Korean ang papa n'ya at British naman ang mama niya, (siguro 'yun ang dahilan kung bakit maputi talaga siya) pero ipinanganak si Grey sa Philippines kaya Filipino citizen siya.

Actually, marami pa akong nalaman tungkol kay Grey while I did my research to him. The last time na ginawa ko 'to was when I was stalking my crush in high school. Sobrang detailed lahat ng nalalaman ko sa kanya na halos may nagawa akong notebook na ginamit kong talaan ng petsa, oras at temperature ng mga araw na nagkaroon kami ng interaction.

I heard na may asawa na daw 'yung crush kong 'yon. Oh well, it's his loss kase 'di n'ya natikman ang alindog ko (Choss)

I was typing a proposal para sa interview ni Grey. I did this while taking a sip off my Starbucks. Perfect naman ang timing ni sir Holden na kakarating lang. I immediately approach him.

"Hi sir, good morning! Heto na ang proposal ko para sa exclusive ni Grey." Sabi ko.

"Oh, so ready na pala." Sabi naman ni sir.

"Sa Friday na pala ang interview n'yo. Good! You have four days para makapaghanda. Good job Sanders!" dagdag pa n'ya.

"Thanks po sir." Sagot ko.

"Alam naba 'to ni Grey?" tanong ni sir.

"Opo. I sent him the message earlier today. He replied naman na 'di s'ya busy sa araw na 'yon." Katwiran ko.

"I see." Sagot ni sir

Excited na ako sa Friday! Everything is set! Perfect na! Mukhang magiging successful ang interview na 'to ah! Ang galing mo talaga Charmaine.

Sir Holden continues to read the proposal. Nanlisik bigla ang mata n'ya when he flipped to the next page.

"Ano 'to? A conversation with a model reader?" tanong ni sir.

"Opo sir. Naisip ko kase na 'pag gagamit tayo ng model reader, we could form an interview na parang galing sa point of view ng publiko." Katwiran ko.

"Sigurado ka bang magwo-work 'to?" tanong ulet ni sir.

"Hindi po, pero mas malaki ang tiwala ko dito kase alam naman nating pareho na allergic sa reporters 'yung Philipps na 'yon." Sagot ko naman.

"I see. Well, I trust your decisions Sanders. Ikaw na ang bahala." Sabi ni sir sabay tapik sa balikat ko.

"Hehe, salamat sir." sagot ko.

"So, does this mean na approve na ang proposal ko sir?" tanong ko naman.

"Yes, we'll go with this." Sagot ni sir sabay yugyog ng papel sa kamay n'ya.

Yay! Now all I need to do is to prepare the location of the interview! Pinakita ko rink ay sir ang mga model na mag-iinterview kay Grey.

"Sir, heto nga pala ang mga model na magi-interview kay Grey. Pinapag-research ko sila ng basic facts about kay Grey." Sabi k okay sir sabay abot ng ilang papers.

15 Shades of GreyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon