Chapter 05

12.5K 147 10
                                    

**************************************************************

Okay, I'm still here nakaupo sa passenger seat ng kotse ni Grey. Ihahatid niya ako pauwi. Well, pinilit naman siya in the first place eh. Pagkatapos nang duck face moment ko kanina eh napuno na ng nakakabinging silence ang sasakyan. Ito na yata ang pinaka-awkward na moment ng life ko so far!

Gusto ko siyang tanungin ng tungkol sa practice niya, kung pwede lang bang gawin naming ang interview ditto sa car o kung totoong may namamagitan sa kanila ni Mia Rodriguez. Aaminin ko, mas interesado ako sa ikatlong idea ko, fan na fan kase ako ni Mia Rodriguez. Favorite ko kase siya dahil sa lead role niya sa drama movie na "Habulin Mo Ako, Babaeng Lumpo!"

Sa sobrang lalim at dami ng iniisip ko eh di ko na namalayan na kanina ko pa pala tinititigan si Grey.

"What is it?" sabi niya habang nagmamaneho.

"Uh..." wala akong masabi.

"You had a really serious look sa mukha mo just now. May gusto ka bang sabihin sa'ken?" pagtataka niya.

"Well, tungkol kase ito sa kay..." parang hindi ko yata kayang itanong 'to!

"Ano?" sabi niya.

"Umm... Kase parang miserable ka ngayong araw na 'to eh." Sabi ko.

"Naisip ko lang na baka hindi ka nakapag-train ng maayos kaya ganun ang nangyari." Dagdag ko pa.

For a few moments, hindi muna sumagot si Grey.

"You really don't hold back, do you?" bigla niyang sabi.

"S-Sorry..."

AbfrhtuvkretgklrgjgtmrjbhjyLESHE! Ang palpak palpak naman ng sinabi ko! Kailangan kong ma-off set yun! What to say? What to say?

"I was impressed kanina na kaya mo palang ma-maintain ang ganun na kabilis na pagpapatakbo." Sabi ko naman.

Tama kaya yung nasabi ko? Baka mas lalo siyang mainis sa akin!

"It's not that my performance was good or bad... Kaso, I don't like driving on the race track all that much." Paliwanag niya sa akin.

Okay, naguguluhan ako sa sinabi niya.

"Pero Grey paano—" sabi ko.

Kailangan kong pag-isipan ng mabuti ang sasabihin ko. Naalala ko ang sinabi ni Owen na ayaw ni Grey ang pagre-racing.

"Paano nangyari yun eh nabasa ko online habang nagse-search ako about sa'yo na gustong-gusto mo na ang pagre-race kahit ba nung bata ka pa..." katuwiran ko.

Sana hindi ko siya na-offend. Feeling ko may bago na naman ako malalaman about kay Grey. Kinakabahan ako, if only na sa akin pa ang heart pendant ko, mawawala sana ang namumuong kaba sa dibdib ko.

"Gawa gawa lang 'yan ng mga journalists para may mai-publish sila." Paglilinaw niya.

"G-ganun ba?" Laking gulat ko...

Ang daming tanong na pumasok sa isip ko. Maraming pagtataka ang gumugulo sa'ken while I was processing what he said.

"Siguro naguguluhan ka." Sabi niya.

"I don't have any interest in racing." Agad niyang dagdag.

Teka, mukhang mago-open up siya sa'ken.

I listen to him. Nakatitig lang ako sa kanya ng maigi para madama niya na gusto kong malaman ang totoo.

"Mas masaya kase if you're driving normally, gaya nito ngayon." Sabi niya.

"..." tahimik lang ako.

Whaaaaa?!? For the first time ako ang tahimik! Epekto nab a ito ng Global Warming? Oh dahil sa gusto ko lang talagang malaman ang tunay na dahilan sa likod ng sikretong ito ni Grey.

15 Shades of GreyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon