Chapter 13

9.7K 118 12
                                    

**************************************************************

Hindi nagtagal eh naabot na namin ni Grey ang apartment ko. Buti na lang at mabilis ang pagpapatakbo ni Grey ng kotse kaya hindi ganun katagal na naghintay sina mama.

As we arrive, nakita ko nga sina mama, papa at pati na rin ang kapatid ko. Dala pa nila ang mga maleta nila. Agad naman akong lumabas ng sasakyan at sinalubong sila.

"Mama! Papa!" sabi ko.

"Oh anak! Buti naman at nandito ka na." sabi agad ni mama.

"Oo nga. Sa'n ka ba nanggaling?" tanong naman ni papa.

"Eh kase umalis ako eh." Sabi ko.

"Eh, Sabado ngayon ah! Wala kang pasok kaya sa'n ka pupunta?" tanong ulet ni papa.

"Lumabas ho kase ako..." sabi ko.

"Talaga? Sinong kasama mo?" tanong ni mama.

"Well... Siya po." Sabi ko sabay turo kay Grey na nasa loob pa ng sasakyan.

Binalikan ko naman si Grey at niyayang lumabas.

"Halika, ipapakilala kita sa mga magulang ko." Sabi ko.

"Sigurado ka bang okay lang? Parang nakakahiya." Tanggi niya.

"Aysus! Hindi ka dapat mahiya sa mga walang hiya! Halika na!" sabi ko.

'Naging masunurin naman si Grey at lumabas ng kotse.

"Mama, papa, siya po yung kasama ko." Sabi ko.

"Sino naman siya?" tanong ni papa.

Duh? Akala ko ba pinanood nila ang balita?!? Hindi ba nila nakikilala ang mukha ni Grey?

"Magandang gabi po, ako po si Grey Philipps." Bati ni Grey.

"Magandang gabi rin. Sino itong pagka-gwapo gwapong lalaki na ito, anak?" tanong ni mama.

"Boyfriend ko po." Agad kong sagot.

"Ano?!? Nobyo mo?!?" laking gulat ni papa.

"Ano bang pinagsasabi mo Charmaine?" sabi niya sa'ken

Whaaaaa! Ba't ba dumudulas ang dila ko ngayong gabi?!?

"Ahehehe, joke lang po! Kaibigan ko siya. Hindi niyo ba nakikilala ang mukha niya? Siya yung tinulungan kong F1 racer sa TV!" sabi ko.

"Ay, oo nga noh!" sabi ni papa.

"Kyaaah! OHMYGEE! Ate, siya ba si Grey Philipps?!?" biglang sabat naman ng kapatid ko.

"Ah, oo. Hehe. Umm Grey, ito yung family ko. Ito si mama, si papa at ito naman ang kapatid ko, si Yhanie." Sabi ko sabay pakilala sa kanila.

"Hello po, kinagagalak ko kayong makilala." Sabi naman ni Grey sa kanila.

"Mas nagagalak akong makilala ka! Fan na fan mo'ko! Actually, fan na fan ako ng F1 racing!" pange-epal ni Yhanie.

"Umm, salamat sa paghatid mo sa'ken Grey ah?" sabi ko.

"Walang anuman. Oh pano, mauna na ako." Sabi niya.

"Bye po sa inyo." Sabi niya sabay kaway kena papa.

Pumasok na sa loob ng sasakyan niya si Grey. He starts the engine-wait, ba't parang hindi naman nag-start.

"Grey? May problema ba?" tanong ko as I approach him.

"Ayaw mag-start." Sabi niya sabay labas ng kotse.

Binuksan ni Grey ang hood ng sasakyan niya. Agad lumabas ang usok.

"(*ubo*ubo) Ang daming usok (*ubo*ubo)" sabi ko.

15 Shades of GreyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon